KABANATA 24

1.4K 48 5
                                    

PATRICIA

Isang oras na ang lumipas ngunit hindi pa rin ako nakakain dahil akala ko hahatiran ako ng ulam ni Devon. Agad akong bumuntong hininga at tinapos ang paghihintay sa wala. Sige lang ulam lang naman iyon, baka hindi pa rin siya nakakaalis dahil nagwawala pa si Hannah.

Nagluto nalang ako ng noodles dahil iyun lamang ang meron ako sa ngayon. Mabilis ko itong ihinain at napagpasyahang lagyan ito ng gulay na dahon upang mas sumarap.  Sa sobrang busy ko sa paghahanda ng makakain ko, tuloy ay hindi ko namalayang bumkas ang pinto.

"Gising ka pa pala."

Napatingin ako kay Hazel na siyang pumasok na sa loob at umupo sa sofa. Tumango lang ako dahil wala akong ganang makipag - usap ngayon, tuloy ay siya ang bumasag muli sa katahimikan.

"Uhm.....pasensya na sa inasal ko kanina." Alam kong iyong nangyari sa school ang tinutukoy niya. Aaminin kong na-offend ako sa kaniya kanina.

"S-Sinabi sa akin ni Kleinthon na muntik ka na daw niyang----------

"Ayos na ako. Huwag mo nang ipaalala iyon." Putol ko sa sasabihin niya,halatang nabigla siya sa itinugon ko. Ako nama'y umupo at kumain nang hindi nagsasalita.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang nagawa sa akin iyon ni Kleinthon. Naging magkaibigan kami dahil mabuti ang pakikitungo niya sa akin. Siguro nga ay tama ang sinasabi nila, magbabago ang lahat kapag nagkagusto ka sa kaibigan mo. Ganoon ang nangyari sa amin ni Kleinthon, nagbago ang lahat simula nang umamin siya sakin na gusto niya ako.

-------------------

It's Friday morning at medyo busy kami ngayon dahil nagpi-picturial kami for our graduation. Kakaibang tuwa ang naramdaman ko nang sa wakas ay college na ako pagka tapos nito.

"OMG I'm so happy na kahit nangopya lang ako kay Patricia, makakapasa pa rin ako." Tili ni Harold.

"So yung kinopya ko sa iyo, kinopya mo lang pala iyon kay Patricia?" Si Jazzy.

"Oo girl, nagkopyahan tayong lahat, at perfect score tayo dahil sa mabait na Patricia na ito." Itinuro pa ako ni Harold.

"Grabe, akala ko pa naman matalino kayong dalawa. Eh yung kinopya kong sagot kay Jazzy kay Patricia rin pala nanggaling!" Singhal naman ni Christy.

Napuno kami ng tawanan dahil sa kanilang mga kalokohan. Minsan ay tumatawa nga rin ang mga nag pi-picture sa amin dahil hindi sila makaligtas sa kabaliwan nina Harold. Napapangiti nalang akong pinagmasdan sila at bumuntong hininga dahil alam kong hindi na kami magkikita pa pagkatapos ng graduation. Pero kahit nalulungkot ako ng kaunti dahil sa naisip kong iyon, lamang pa rin ang tuwa ko dahil kaunti nalang ang hihintayin kong taon.

Dahil sa tuwa ko ay naisipan kong maagang umuwi sa unit at magluto ng adobo.

Paminta - ☑️

Toyo-

Kaunting asukal - ☑️

Bawang- ☑️

Sibuyas - ☑️

At siyempre ang.......

Pagmamahal - ☑️

Inamoy ko ito at napangiti sa bango. Agad akong kumatok nang makarating sa unit ni Devon. Ang matamis na ngiti at agad na napawi nang si Hannah ang bumungad sa pinto.

"Nasan si-------

"He's inside." Matamis akong nginitian ni Hannah at inayang pumasok. Malakas ang kutob kong may plano itong babaeng ito.

Dinala niya ako kung saan naroon ang kwarto ni Devon at doon ko nadatnan ang lalaking mahal ko na mahimbing ang tulog. Hubad ang katawan, at ang tanging manipis na telang puti ang nakatakip sa ibabang parte niya. Napaluha ako nang mapagtantong nakatapis lang din ng tuwalya si Hannah ngayon at nakangisi pa.

Professor's Crush Where stories live. Discover now