KABANATA 16

1.6K 81 8
                                    

PATRICIA

"Patricia, share naman ng talino mo. Kahit katiting lang." Natawa ako ng bahagya dahil sa sinabi ni Harold.

"Sinipag lang akong mag-advance studying ano ka ba? Kaya mo rin 'yan ano!" Tugon ko at kumekembot lang siyang siniringan ako.

Habang tumatagal ay nagiging close ako sa mga kaklase ko. Karamihan sa kanila ay sinasabing mahirap daw akong lapitan nung una dahil sa sobrang tahimik ko. Ang iba naman ay humahanga raw sa talino ko, at doon ako banda nahihiya. Si Cheryl naman ay walang ibang ginawa kundi ang asarin, pikunin at tawagin akong malandi ngunit hindi ko siya pinapatulan. Palaging nasa likod ko sina Harold, Bea, Jazzy at Christy para ipagtanggol ako. Paulit-ulit ko rin silang sinasabihang wag patulan pero para silang mga siga.

"Pinsan mo pala yung isa ring matalino sa section C ano? Yung si ano si Hazel?" Tanong sa akin ni Christy. Tumango lang ako at ngumiti.

"Maganda siya ah! Beauty and brains, magpinsan nga kayo. Lahing matalino." Papuri naman ni Harold.
"Naku hindi na ako aasang magkakalaman pa itong utak ko, baka forever na itong empty Shuta!" Maarte pang dagdag niya.

"Kaya niyo naman 'yan, sadyang hindi niyo lang sinasaulo yung librong binabasa niyo." Saad ko.

Nagkwentuhan pa kami at nagtawanan sandali bago kami nagsiuwian. Medyo nakakapagod ang araw na ito dahil sa tambak na assignments at quizzes, pero ayos lang dahil iyon naman ang goal ng mag-aaral.

"Insan hindi mo ba namimiss si Yooki?" Biglang tanong ni Hazel kaya naman napatingin ako sa kanya. "Nagtatanong lang po." Nag peace sign pa ito at nag-aalangan baka magalit ako. Nginitian ko naman siya para ipahiwatig na ayos lang magtanong.

"Hindi ko na siya mahal Hazel. Matagal na akong naka move on." Nakangiti kong sagot ngunit mas mukhang siya pa ang tuwang-tuwa.

"Naku dapat lang! Di ba ang sabi ni tita------ hindi dapat tayo umiiyak at humingi ng atensyon sa kahit na sinong lalake." Maangas pang sabi niya.

"Talaga lang ah? Eh diba umiyak ka rin sa ex mo?" Natatawa kong sabi at sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Ya! Foul na 'yon ah." Asik niya.

"Pero teka lang, hindi ko pa nakikila o nakita man lang yang ex mo eh. Sino ba 'yan?" Usisa ko ngunit nag-iwas lang siya ng tingin.

"Wag na nga natin siyang pag-usapan. Kinalimutan ko na rin naman siya." Nakanguso niyang usal at tumango-tango naman akong naglalakad.

------------------

Nakarating agad kami sa apartment at natanawan ko na agad ang itim na sasakyan. Pag-aari iyon ni prof. Devon at parang may umaalon sa puso ko nang mapagtantong nakauwi na rin siya. Hindi sinasadyang may sumagi sa isip ko at napangiti nang maalalang, ilang beses na pala akong nakasakay sa kotse niya.

"Hoy bakit ka nakangiti? Pangarap mo ba ang ganyang sasakyan?" Napatingin ako kay Hazel nang itnanong niya iyon. Nakalimutan kong mayroon pala akong kasama. Inosente siya sa tanong niya, hindi alam na propesor at may gusto ako sa lalakeng nag-mamay ari ng sasakayang iyon.

"H-ha? Oo tama ka type ko ang ganyang kotse." Pagsisinungaling ko sa kawalan ng maisasagot. Type ko ang may-ari ng kotse! Iyan dapat ang sagot ko pero wag nalang. Tumango lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Kapag naiisip ko si prof. Devon ay nawawala ako sa sarili. Simpleng bagay na alam kong sa kan'ya ay napapangiti ako ng hindi namamalayan. Nakakalimutan kong nasa realidad pala ako at may kasama. Pero hindi ko kailan man makakalimutang estudyante niya ako at propesor ko siya.

Minsan naitatanong ko sa kawalan kung may pag-asa ba akong makatulyan ang gusto ko, at sinagot naman agad ito. Si Yooki, gustong-gusto ko siya at nagkatulyan kami. Ang kaso, hindi kami hanggang sa huli.

Professor's Crush Where stories live. Discover now