KABANATA 18

1.5K 67 2
                                    

                      
                       PATRICIA

Today, is just a normal day for me.
Araw ngayon ng biyernes at ngayon ang exam namin sa tatlong subject. Science and life, Mathematics at English and literature which is subject ni prof. Devon. Kahit papaano ay excited at confident ako dahil nakapag review ako kahapon. Wala akong ibang ginugol sa oras ko kundi ang mag memorize para sa araw na ito. 

"Good morning everyone!" Masiglang bati ni Mrs. Gambia sa amin.

"Good morning Mrs. Gambia!" Bati namin pabalik sa kanya. Masasabi kong paboritong guro ng section namin si Mrs. Gambia, dahil sa angking kabaitan nito.

"Today is your fourth grading exam. And I hope that all of you, will pass my subject. Hindi naman siguro ako nagkulang sa pagpapaalala sa inyo hindi ba? Almost every class ay pinapaalalahanan ko kayong mag advance studying. So I hope lahat ay may laman ang utak ngayon. Is that clear? " Nakangiting turan niya at nagsitanguhan naman ang lahat.

"Yess ma'am!" Sagot ng karamihan. Ngumiti lang si Mrs. Gambia at inihanda ang exam papers namin.

300 items ang exam at aaminin kong medyo nahirapan ako ng kaunti doon. In one hour ay natapos naming lahat ang pagsagot. Lahat ay nag-unat unat ng kanilang mga katawan, dahil marahil sa isang oras kaming nakaupo.

"Goodbye for today class. Good luck on your next exam, it will be Mathematics exam so prepare." Nakangiting bilin ni Mrs. Gambia bago umalis.

Mga two minutes at biglang bumukas ang nakasarado naming pintuan. Iniluwa no'n si Sir Damian, which is our professor in Math. Siya ang pumalit kay Mr. Soligue, dahil nalipat ito sa ibang school. Ang akala namin ay temporay lamang iyon, but we're wrong. Permanent professor na namin siya sa Math.

"Did you all  study?" Seryosong tanong niya sa lahat.

"Yes sir!" Confident na sagot ng mga kaklase ko. Ang iba ay nakangiti pang nakataas ang noo, mukhang nakapag study talaga ang lahat sa amin.

"Pagkatapos ng exam na ito ay mag p-prepare na kayong lahat para sa graduation ninyo, tama ba ako?" Tanong niya sa lahat.

"Yes sir!" Sagot naman namin.

"But don't be so excited,dahil hindi naman kayo makaka graduate kung hindi niyo maipasa ang exam ngayon. You're all turning college, and for those students na nagsumikap para pumasa from 1st to 2nd quarter, kaunti nalang at aapak na kayong muli sa stage." Turan niya.

"If you all want to graduate, then prepare your brain for this long exam." Saad niya at sinimulang ibigay ang exam papers sa amin.

Kagaya kanina ay 300 items rin ang Math namin. Karamihan din sa amin ay hirap sa pgasagot at pag solve ng exam. Marami ang natirang hindi agad nakapag pasa at  nagsosolove pa, halatang nahirapan. Buti nalang at hindi ako kasali doon hehehe!

"Your one hour exam is already done. Pass all your questionnaires!" Utos ni Sir Damian sa lahat ng natira. Naging aligaga naman ang iba sa pagsagot at nagmadaling ipinasa ang papel nila.

"Goodbye and good luck to your next exam. Dismissed!" Anunsyo ni Sir Damian at umalis.

"Haays medyo napagod utak ko do'n ah!"

"Truee! Napakahirap ng math, hindi ko inasahang mas mahihirapan pala ako ngayon."

"Kung pwede lang matulog ay ginawa ko na."

Medyo natawa ako sa mga komento ng mga kaklase ko matapos ang math exam. Oo at mahirap talaga e-solve lahat ng nasa questionnaire kaya hindi ko sila masisisi.

Professor's Crush Where stories live. Discover now