KABANATA 15

1.6K 68 1
                                    

                      PATRICIA

"Hello Patricia!" Napaangat ako ng tingin ng bigla akong lapitan at batiin ni Cheryl. Plastik ang pagkakangiti niya at mukhang may balak na namang mang-asar.

Nasa library kami ngayon dahil sa pinapagawa ng history lec. namin.

"Anong kailangan mo Cheryl?" Pabuntong hiningang usal ko. Ngumisi siya ng nakakaloko at pinaglaruan ang buhok ko.

"Im just wondering......tahimik ka ba talaga? O baka naman nagtatahimik-tahimikan, pero nasa loob ang kulo. Yung tipong.......nasa loob ang LANDI!" Nakangising turan niya na diniinan pa talaga ang salitang 'landi.' Balewala ko naman siyang tiningnan ngunit sa loob loob ko ay gusto ko na siyang patulan.

Lakas ng loob manawag ng malandi, eh siya itong nagmumukhang borekat sa kapal ng make-up!

"Umalis ka sa harap ko Cheryl." Seryosong sabi ko at umasta naman siya na parang nagulat at natakot, pagkuwa'y tumawa ng malakas.

"Ohhh! Nakakatakot ka naman. Two guy Patricia, two guy. Prof. Devon and Kleinthon really? Ganyan ka kalandi Patricia. Hindi mo makuha ang isa kaya pumunta ka sa isa na naman-------

"Ang sabi ko....umalis....ka....sa...harap ko!" Diniinan ko ang bawat salita na binibigkas ko, nang sa gano'n maipakita ko sa kanya ang inis ko.

Natigilan siya ngunit agad ding iwinala iyon. Ngingisi-ngisi naman siyang umalis sa harapan ko at bumalik sa table nila ng mga kaibigan niya.

-----------------

"Patty, baka nagtataka ka na kung bakit napapadalas ng punta ko rito sa apartment." Biglang sabi sa akin ni tita Hally, isang hapon nang matapos ang skwela. Hindi ko inaasahan na darating siya, pero ayos lang naman.

"Hindi  tita, masaya nga po akong nandito ka eh." Nakangiting sabi ko pero natigilan ng walang kasing seryoso ang mukha niya.

"Patty.....hindi naman sa pinipigilan kitang magnobyo ulit pero----ayaw ko sanang masaktan ka ulit. Kung maaari ay wag ka na munang pumasok ulit sa relasyon." Mahinahong sambit ni tita at nagbaba naman ako ng tingin.

Kapag ganyan siya, posibleng may nalaman siya tungkol sa nangyayari sa akin. Wais si tita pagdating sa pagbabantay sa akin at hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman ang tungkol sa amin ni prof. Devon. Sa kadahilanang pag-aari namin ang apartment ay madali niyang mapabantayan ako. Kakilala niya halos lahat ng mga nangungupahan at nakatira rito kaya marami siyang mapagtatanongan.

"Wala naman po akong nobyo tita." Pilit ngiti kong ani. Seryoso niya lang akong binalingan at binigyan ng malaking buntong hininga.

"Hindi ko naman sinabing may nobyo ka na. Sinasabi ko lang na kung maari ay------

"Oo naintindihan ko po tita." Kung kanina ay pilit ang ngiti ko, ngayon ay natural na. Ngumiti siya rin siya sa'kin at hinaplos ang pisnge ko, sa ganong paraan ay ayos na kami ni tita.

Nang makaalis si tita ay wala akong ibang ginawa kundi ang mag-aral. Exam na sa nalalapit na katapusan ng buwan kaya naman minabuti kong mag-advance studying.

Natulog ako pagkatapos kong mag-aral at kumain ng magising. Hindi naman ako nakaramdam ng bored dahil may patutunguhan naman lahat ng ginawa ko sa araw na ito.

*Door knocking*

Nagtataka man ay tumayo ako para puntahan ang pintuan. Hindi ko muna ito binuksan, at inisip muna kung may inaasahan ba akong bisita.
Wala namang may sabing bibisita sa akin ngayong araw na ito.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at--------

"Suuuuurprise!"

O_O

Professor's Crush Where stories live. Discover now