KABANATA 36

1.4K 49 6
                                    

PATRICIA

"Patty!" Sabay kaming napalingon ni Devon sa pintuan nang bumukas iyon at iniluwa ang nag-aalalang si tita. Natigilan siya nang mapagtantong hindi lang pala ako  ang narito.
Agad na tumayo si Devon at bumalik sa sofa'ng inuupuan niya kanina para makalapit sa'kin si tita.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya kaya ngumiti ako ng pilit.

"Maayos naman tita." Mahinang sagot ko. Napatango naman siya at muling tiningnan si Devon. Awtomatiko naman itong  tumayo at tinanguan si tita.

"I'll go ahead ma'am." Magalang niyang sabi kay tita. Ngumiti si tita sa kaniya, hindi ko inaasahan.

"Salamat at dinala mo siya rito. Gusto mong kumain muna? Nagdala ako ng pagkain."  Nakangiting aya sa kaniya ni tita. Nakita kong natigilan si Devon at sumulyap pa sa'kin.  "Sige na, ihahanda ko na 'to. Kanina ka pa nandito para bantayan siya kaya sigurado akong gutom ka na."

Hindi na nakatanggi si Devon dahil pinilit siya. Naninibago tuloy ako sa ikinikilos ni tita ngayon. Pinag-awayan namin si Devon noon dahil ayaw ni tita na magkaroon ako ng manliligaw. Ano itong ngayong pinapakita niya? Tiningnan ko siyang muli pero sinsero ang mukha niya. Tanggap niya kaya si Devon kung sakaling maayos pa kami?

Pero kahit naman tanggapin ni tita ay wala namang magbabago. Si Ms. Marisse na ngayon ang mahal niya at hindi ako. At nasasaktan akong isipin yun. Mahal na mahal ko parin talaga siya.

"Ano nga uli' ang pangalan mo? Propesor ka hindi ba?" Tanong ni tita sa kaniya. Kanina pa sila nagkwewentuhan habang ako naman ay nakikinig lang.

" I'm Devon Hezelthon, and yes ma'am I'm a professor. I'm teaching senior high school before." Paliwanag naman ni Devon nang may ngiti sa labi.

"Ohh?" Namamanghang sambit ni tita. "Eh ngayon nagtuturo ka pa rin ba?"

"Yes ma'am, college students ang tinuturuan ko ngayon." Sagot naman niya.  "Patricia's one of my students."  Dagdag niya kaya napatingin sa'kin si tita.

"Ohh? Hindi ba't estudyante mo rin siya noon? Pinagalitan ko pa noon si Patty dahil akala ko manliligaw ka niya. Propesor pala." Natutuwang sabi ni tita. Nagkatinginan kami ni Devon pero agad din akong nag-iwas ng tingin.

Ang totoo ay marami pang hindi alam si tita. Hindi niya alam na ipinagpatuloy ni Devon ang panliligaw sa'kin noon. Pinagtanggol kase ako ni Hazel at sinabing si Kleinthon ang nanliligaw sa'kin at hindi si Devon. Naniwala si tita doon kaya siguro ganito siya makipag-usap ngayon sa kaniya.

"Aalis ka na?" Takang tanong ni tita nang biglang tumayo si Devon.

"I'm sorry ma'am but I have to go. I have a lot of  papers to check. Also my students are waiting for me." Magalang na paalam niya, tumango-tango naman si tita at ngumiti.

"O sige, salamat ulit at dinala mo siya rito ah? Mag-iingat ka pauwi." Saad ni tita habang  busy sa pagliligpit ng pinagkainan ko.

"Thankyou ma'am." Sagot naman ni Devon. Hindi ko inaasahang ngingiti pa siya bago lumakad. Hindi iyon nakita ni tita dahil busy siya. Napatingin si Devon sa'kin nang mapansin ang titig ko kaya agad niyang ibinalik sa seryoso ang mukha niya. Tumango lang siya sa'kin bago tuluyang umalis.

Hindi na naman kami nakapag-usap ng maayos. Hindi ko pa naririnig ang gusto niyang sabihin...

Napatingin akong muli kay tita nang mawala na sa paningin ko si Devon.
Hindi naman dapat ako maninibago sa kaniya. dahil ganito naman siya dati pa. Makulit, masayahin na para bang walang problema at maingay. Naging tahimik lang talaga siya at naging seryoso noong nalaman naming lahat ang sakit ko. Sinisisi ko nga ang sarili ko dahil malaki ang pinagbago ng pamilya ko dahil sa'kin.
Kung noon ay maingay sila at palaging nakangiti, ngayon ay hindi na na animoy dala nila ang problema ng Pilipinas. Ngayon rin ay tahimik na sila  at palaging nag-iingat sa mga kilos.

Professor's Crush Where stories live. Discover now