KABANATA 31

1.4K 60 5
                                    

PATRICIA

Friday ngayon at maaga akong pumasok sa school. Mangilan-ngilan pa lang ang mga estudyanteng narito at isa ako sa mga yun. Dahil lock pa akong classroom ay tumungo ako sa labas ng gate. At dahil umaga pa nga ay hindi ko nadatnan doon si Aling Debie. Baka mamaya pa siya darating, wala tuloy akong kakwentuhan.

Tiningnan ko ang relo ko. 5: 23, masyado pang maaga at mamaya pang 7:30 magsisimula ang klase namin. Naglakad-lakad ako sa kalsada at sa bandang unahan may nakita akong coffee shop. Napangiti ako at tumungo doon.

"Can I have your order Ma'am?" Isang lalake ang waiter na nasa harapan ko ngayon. Nakangiti siya kaya nginitian ko siya pabalik.

"Espresso lang." Tumango siya at ngumiti ulit bago tumalikod. Maya maya ay bumalik na siya at dala na niya ang kape ko. Inilapag niya ito sa harap ko at muling ngumiti bago nagpaalam.

Hindi ko muna ginalaw ang kape ko dahil mainit pa ito masyado, nakakapaso ito sa dila. Sumulyap ako sa glass window kung saan makikita ang kalsada sa labas malapit sa school. Napabuntong hininga ako nang makita ko doon si Devon kasama na naman si Ms. Marisse. Pareho silang nakangiti sa isa't-isa kaya umiwas ako ng tingin upang maiwasan ang kirot sa dibdib ko.

Tumulala  akong tumingin sa kape ko nang biglang bumuo sa isipan ko ang alaala nang una naming pagkikita.


(Flashback)

"Cheryl look at that hot guy, he will be our new professor in Math!" Kinikilig na ani ni Susan, isa sa mga kaibigan ni Cheryl. Napangisi si Cheryl at bahagyang tinanggal ang butones ng uniform niya kaya bahagyang lumantad ang dibdib niya.

Napatingin ako sa lalaking papalapit ngayon sa classroom namin. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, ngunit sa  tindig pa lang ay alam ko nang masungit ito. Salubong ang kilay niya habang naglalakad at nang makalapit na siya nang  husto sa gawi namin ay mabilis siyang hinarangan ni Cheryl.


"Good morning sir! I'm the secretary of this class. I'm Cheryl may we know what's your name sir?"

"I will introduce myself to all of you when I'm already inside. Can you go inside your classroom and go back to your seat?" Kunot noong utos niya kaya naman natigilan at napapahiyang sumunod si Cheryl. Pumasok kasunod niya ang propesor kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Good morning everyone! My name is Devon Hezelthon your professor in General Mathematics. Be a good student if you don't want me to give you a failing grades."  Sabi niya kaya natahimik ang lahat.

Marami pa siyang sinabi at nababagot akong makinig sa kaniya. Nang matapos siyang magsalita ay bahagya siyang napatingin sa gawi ko. Bahagya akong nagtaka nang hindi niya man lang inaalis ang paningin niya sa'kin.
Kumunot ang noo ko at mukhang napnsin niya iyon kaya agad siyang umiwas ng tingin at muling nagsalita.  Ako naman ay walang emosyong tumitig sa labas.

Anong tingin yun tsk!

(End of Flashback)

Bahagya akong napangiti nang marealize kung paano ako katahimik noon. Nawalan ako ng pakialam sa paligid dahil sa labis akong nasaktan sa sinapit ko. Kakamatay palang ng mama ko noon at sariwa din sa akin noon ang pakikipaghiwalay ni Yooki sa akin para pakasalan si Krishna.
Halos wala akong gustong kausapin at ayokong lumagi sa maraming tao. Naaalala ko rin kung paano kong tanungin ang sarili ko noon ko bakit ko siya nagustuhan.

Pero alam ko sa sarili ko na simula nang magustuhan ko si Devon ay nagbago ang lahat sa'kin. Bumalik ako sa pagiging masayahin, masigla at nahanap ko muli ang sarili ko dahil sa kaniya.

Professor's Crush Where stories live. Discover now