KABANATA 17

1.6K 70 2
                                    

PATRICIA

"Patty, bibili muna ako ng pandesal ah? May cheese kase akong binili kahapon mas maganda kung may pandesal para masarap." Ani ni Hazel na dinilaan pa ang labi niya. Napailing nalang ako sa kaburaraan ng babaeng ito.

Nagwalis ako sa unit at napag disesyunang itapon ang basura. Araw ngayon ng huwebes at tuwing huwebes ang schedule ng tagakolekta ng basura sa amin. Lumabas akong dala ang garbage bag namin na puno ng basura.

Saktong paglabas ko ay biglang bumukas ang pintuan ng katapat kong unit. Nagngitian kami ng lalakeng lumabas doon. Matagal ko na siyang kapitbahay at schoolmate ko rin siya dati. Mukhang magtatapon rin siya ng basura katulad ko.

Bumaba ako nang mapagtantong nandoon na ang truck ng basura. At pagbaba ko naman doon ay inaasahang ko nang nandoon din si prof. Devon. Nakita ko siyang bumaba kanina na dala rin ang mga basura niya.

Kahit pa alam kong lumingon siya sa akin ay hindi ako tumingin man lang sa kanya. Hanggat maari ay ayaw kong makita ang pagmumukha niya para makalimutan ko na siya.

Napabuntong hininga ako at napagpasyahang bumalik na sa unit ko pero bago pa man mangyari iyon ay may humawak na sa braso ko.
At kahit hindi ako lumingon alam kong siya iyon.

"Mag-usap tayo." Seryoso niyang sabi. Sinubukan kong hilain ang kamay ko pero mas hinigpitan niya lang iyon, at hinila ako papasok hanggang sa marating namin ang unit niya.

Namalayan ko nalang na nasa loob na kami ng unit niyang napakalinis. Ngayon lang ako nakapasok rito. Binawi ko ang kamay ko at walang emosyong tumingin sa kanya.

"Sit down." Utos niya at itinuro ang magandang sofa, pero hindi man lang ako gumalaw.

"Hindi na, sabihin niyo nalang po kung anong gusto niyong sabihin para makaalis na po ako." Usal ko at sinadyang lagyan ng 'po' ang bawat salita. Sumama ang mukha niya ngunit agad din iyong napalitan ng pagka seryoso.

"You said you like me." Deretsong sabi niya,inaasahan ko na iyon. Umiwas ako ng tingin.

"Mali ang pagkakaintindi mo. Ginawa ko lang iyon para---------

"Para asarin si Hannah? Hindi naman kayo magkalaban diba? Hindi mo nga siya kilala, and what's your other excuse? Na nagparactice kang umakting dahil gusto mong maging artista, kaya ka umiyak sa harap ko?" His lips rose up, napahiya ako. Naiilang akong tumingin sa kanya.

"K-Kalimutan mo na iyon, aalis na ako." Saad ko ngunit nang bubuksan ko ang pinto ay ayaw nitong bumukas.

"Hindi tamang umalis ka matapos mo akong pinahirapan." Halos kilabutan ako nang ibulong niya iyon sa mismong tenga ko. Sobrang lapit niya sa akin at nanatili akong nakatalikod.
Naramdaman ko na ang mainit niyang hininga sa tenga ko.

Hindi ko man lang namalayan ang paglapit niya.

"A-Anong pinahirapan?" Utal kong anas.

"Ako,pinahirapan mo 'ko. I didn't sleep last night because of you. I was thinking of your confession." Bulong niya. Iniharap niya ako sa kanya at tiningnan sa mata.

"Just tell me if it's true or not."

"Hindi 'yon to---------

"Don't lie!" Nagulat ako dahil sa malamig na boses niya. Nawala ang ngisi sa labi niya at napalitan iyon ng malamig na tingin. "Just tell me if you truly like me, because I can change my mind anytime." Mahinahon niyang sabi.

"Uuwi na ako." Malamig na ani ko, tinalikuran ko siya at dinampot ang susi na hindi ko namamalayang nasa mesa lang pala kanina.

Ano naman ngayon kung gusto nga kita? Babaguhin mo ang isip mo, saan? Sa pagpapakasal?

Dream on Patricia. Bakit naman niya babaguhin ang isip niyang magpakasal? Para sa'yo? That will never happen so wake up!

"Pandesal oh. Tatlong tinapay na ang nakain ko samantalang ikaw ay hindi man lang nababawasan. Naku ikaw ah, wag mong pahintayin ang grasya." Turan sa akin ni Hazel nang makabalik ako sa unit.

"Maka panermon 'to." Bulong ko.

"Aba totoo naman. Nasaan ba ang isip mo at lutang ka na naman?" Asik niya.

"Nag-usap kami." Sambit ko at natigilan naman siya. Inilapag niya ang pandesal niya at seryosong hinarap ako. Mukhang alam na niya kung sino ang tinutukoy ko.

"Nagkausap kayo, anong sabi?" Usisa niya. Bumuga ako ng hangin bago sumagot.

"Tinanong niya ako tungkol doon sa pag-amin ko kahapon." Wika ko.

"Oh eh, anong isinagot mo?" Anas niya.

"Na mali ang pagkakaintindi niya. At hindi siya naniwala." Tugon ko.

"Ano ka ba! Malamang hindi maniniwala 'yon no. Umiyak ka kaya sa harap niya, atsaka halata namang gusto mo siya eh." Gulat akong napatingin sa kanya.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Naiilang kong usal.

"Hmmm. Ilang beses na kaya kitang nakitang nakatingin sa kanya. Babae rin ako Patty, alam ko kung kailan nagkakagusto ang kapwa ko babae sa isang lalake." Humalakhak siya nang makita kung paano ako napahiya. Hindi ko alam na ganoon pala ako ka obvious.

"Sinabi na sa akin ni Kleinthon yan." Sambit ko na nagpatigil sa kanya.

"K-Kleinthon?" Tanong niya.

"Oo bakit?" Umiwas siya ng tingin at biglang umiling.

"Wala naman, baka nagkakamali lang ako." Mahinang sabi niya.

"Saan? Kapag ako nagsasabi ng sikreto, pero ikaw hindi." Nagtatampo kunyaring anas ko pero siniringan niya lang ako.

"Wag kang magtampo-tampohan, hindi bagay sa'yo." Malditang sabi niya, napatawa naman ako ng bahagya.

Kilalang-kilala talaga ako ng babaeng ito.

Nawala ang ngiti ko nang maalala na naman ang nangyari kanina. Just tell me if you truly like me, because I can change my mind anytime. Iyon ang sinabi niya kanina.

Gagawin mo ba talaga iyon para sakin?

Muli na namang sumagi sa isip ko ang mga nangyari noong nakaraang buwan lang. Noon halos hindi ko siya malapitan at naiilang ako sa tuwing mararamdaman ko ang prisensya niya. Pero nakasabay ko na rin siyang kumain, at ilang beses na akong sumakay sa kotse niya. Naging kaibigan ko ang mga kapatid niya at nakausap ang mommy niya. At ang pinaka malala, nahalikan na niya ako. Nanlumo ako bigla. Akala ko naman sign na iyon na may pag-asa ako sa kanya.

Lahat ng nangyari nitong mga nagdaang buwan lang ay hindi nawala sa utak ko. Pakiramdam ko naging parte na siya ng buhay ko simula noong makilala at magkagusto ako sa kanya.


Sinabi mo naman sa sarili mo noon Patricia diba? Do not expect! Tsk, nakalimutan mo na ba iyon?

Nasaktan ka na noon, hindi ka pa rin ba nagtatanda!


A/N: LAME AND SHORT UPDATE. PASENSYA NA MASYADONG MAHINA ANG CONNECTION SA AMIN.

LUMILIIT ANG READERS KO. SA MGA NATIRANG READERS, THANK YOU ALWAYS AT SINUBAYBAYAN NIYO PA RIN ITONG STORY KO, KAHIT MEDYO MAGULO NA.

SA MGA BAGONG READERS NAMAN , THANK YOU AND WELCOME SA PROFESSOR'S CRUSH WORLD. I REALLY APPRECIATE YOU ALL! ❤️😘























Professor's Crush Where stories live. Discover now