KABANATA 12

1.7K 82 2
                                    

PATRICIA

"Hoyy Patricia, share naman diyan." Nagulat ako nang kalabitin ako ni Bea kakarating ko palang sa classroom. Taka ko siyang tiningnan.

"Anong e-sheshare ko?" Takang sambit ko,binigyan niya naman ako ng nanunukso at tila nagdududang tingin.

"Kahapon, pumunta ako sa Hospital kase binantayan ko ang lola ko. Hmmm may nakita ako!" Nakangising sabi niya at kinabahan naman ako bigla.

"A-anong nakita mo?" Utal na anas ko. Baka ipagkalat niya, mahirap na...

"Hmmmn bakit kayo magkasama ni Prof. Devon?" Nanunuksong turan niya,umiling naman agad ako sa kanya.

"Binisita lang namin ang kapatid niya. Si Ms. Divine, kaibigan ko rin siya Bea. Naaksidente kase siya eh, kailangan ko rin siyang bisitahin sinabay lang ako ni prof. Devon dahil doon din naman ang punta niya. Wag mong bigyan ng malisya yun." Paliwanag ko na para bang gumawa ako ng malaking kremin. Napalitan naman ng gulat ang mukha niya.

"Ahh! Ganon ba akala ko naman..."

"Wala nga Bea!" Pasinghal kong angil. Tumawa naman siya at saktong tumunog na ang bell kaya nagsipag-upuan na kami. Haaayst salamat!

"Tricia!" Napatingin ako kay Kleinthon nang tawagin niya ako. Nakangiti siyang lumapit at kinuha ang mga dala kong libro.

"Ayos lang namang ako ang magdala niyan Kleinthon. Hindi naman yan mabigat." Nahihiyang anas ko. Ngumiti lang siya at inilayo ang mga gamit sakin.

"Sabayan mo kong mag lunch?" Patanong niyang aya. Tiningnan ko ang relos ko at nginitian siya.

"Sig-------

"Patricia pinatawag ka ni Prof. Devon!" Biglang sabat ni Lio sa amin. Nahihiya siyang tiningnan kami, well that's his normal. Mahiyain.

"Ahm." Tumingin ako kay Kleinthon at hindi maipinta ang mukha niya.

"It's okay pumunta ka muna do'n at hihintayin nalang kita." Pilit ngiting saad niya.

"A-ah Kleinthon....wag mo nalang akong hintayin mauna ka nalang." Mahinang sabi ko. Matagal bago siya tumango at nagpamaunang lumabas.

Ako naman ay pumunta sa opisina ni Prof. Devon at nadatnan ko naman siyang nakaupo sa swivel chair. May hawak siyang ballpen at ang gwapo niyang tingnan dahil naka unbutton ang pulo niyang puti sa bandang leeg.
Napalunok ako. Ano ba 'tong iniisip ko, ako pa ba 'to?

"A-Ah pinatawag niyo raw po ako sir?"
Noon lang siya nag-angat ng tingin at sinenyasan akong maupo. Sinunod ko naman siya nang hindi inaalis ang paningin sa kanya.

"May ipapagawa ba kayo sir?" Deretsong tanong ko.

"Wala naman. I just want you to join me for lunch." Ha? Anong sabi niya?

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Hindi siya nagsalita kaya naman bumuntong hininga ako.

"Sir. Pasensya na pero....sasabayan ko po kase si Kleinthon.-----

"Palagi mo siyang kasabay. Ngayon lang kita ulit niyaya!" Sa tono niya ay parang naiinis siya.

"Hindi kami nakakapag sabay ni Kleinthon sir. Dahil palagi mo akong pinapatawag kapag inaaya niya ako!" Hindi ko na mapigilan ang inis ko.

"So balakid na pala ako ngayon sa inyo?" Inis na sabi niya. Nagugulat ko naman siyang tiningnan.

"A-ano bang sinasabi niyo?" Gulat kong turan dahil hindi ko talaga siya maintindihan. Umiwas siya ng tingin at muli na naman akong hinarap ng nakapikit.

Professor's Crush Where stories live. Discover now