Prologue

3.8K 98 2
                                    

Prologue

Like the never-ending ocean waves, love also flows with a beauty that welcomes selflessness. Love releases the demand for control, just as the waves give up trying to follow their own course to the shoreline. In its purest form, love flows with the currents of acceptance and accommodation. It draws strength from giving and, in doing so, generates a symphony that reflects the tides of the sea. Love, like the ocean, teaches us that when we let go of our own will and embrace the currents of another's heart, we find a deep and enduring peace that sustains us through the ebbs and flows of life.

"Hoy, teh! Sino ba 'yang tinitingnan mo?" Nagulat ako nang biglang magtanong si Yllena habang patuloy pa rin itong tumutusok ng kwek-kwek.

Katatapos lang nang huling instructor namin magturo, ilang oras din kaming bakante kaya hindi masyadong masakit ang ulo ko ngayon kaysa kahapon na na-extend pa ang oras namin sa Physical Education.

Tinapunan ako nito ng tingin. She appears to have a sixth sense. "Ikaw, ha. May crush ka ba kay Hayes?" My eyes widened as Yllena asked me, her gaze landing where I had been looking earlier.

Hayes Leon Makari siya iyong tipo ng lalaki na kayang gawing runway ang dadaanan niya. He's known throughout our school. Apart from his good looks, he's a jack of all trades in various sports, and he's also in the running to be the valedictorian as we graduate from Senior Highschool. Ngunit ang nagustuhan ko rito ay ang pagiging mabait niya at pagiging humble. Alam niya pa rin kung paano tumapak sa lupa. Some people, when they seem so perfect, tend to idolize themselves. It can make them become self-obsessed. Hindi na nila alam na nakayuyurak na sila ng ibang tao. Sa madaling sabi, mataas ang tingin nila sa kanilang mga sarili.

"Wala, 'no!" mariing depensa ko.

"Sus, bakit namumula 'yang pisngi mo?" tudyo nito habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

Hindi ko na lang pinansin ang babae dahil hindi lang ito titigil sa kaaasar sa akin. I returned my gaze to where I had been looking earlier. My eyes widened quickly, and with it, my heart raced. Parang bumagal ang lahat nang magtama ang paningin namin ni Hayes na naglalakad ngayon patungo sa direksyon namin.

"Oh, ba't parang nabato ka riyan?" tanong ni Yllena habang nasa bibig nito ang tatlong kwek-kwek.

"T-tara na," mabilis kong inaya ang kaibigan ko dahil malapit na sa amin ang grupo nila Hayes.

Hindi ko alam kung bakit ganito kabilis ang puso ko ngayon. Maybe, it's just normal when you have a crush on someone you know is getting closer to you. Tuloy, parang papanawan ako sa kaba.

Yllena gave me a stern glance. "Teh, naman! Mabubulunan ako sa 'yo, eh."

"Tara na nga, tambay na lang tayo doon sa Park," muli kong inaya ang babae na abala pa rin sa pagnguya.

Inirapan ako nito. "Wait lang. Hindi ka ba bibili? Ililibre na lang kita."

"'Wag na, Yllena, tara na."

Muli itong umirap at tila umuusok ang ilong nito dahil sa pagkainis. "Ba't ka ba nagmamadali? Natatae ka ba?"

"Good afternoon, ate. Pabili po ng kwek-kwek. One hundrend pesos po."
Yllena and I both had our attention diverted when Hayes spoke from behind us.

Ba't parang ang bilis naman nilang maglakad? Parang kanina naandon pa lang sila sa dulo sa kalsada.

"Gutom ka ba, pre?" si Klix, kaibigan ni Hayes. Kilala ko siya dahil siya ang president ng Journalism Club sa school. And I am one of the writers there.

"Nope. Hati tayong tatlo rito."

"Himala at nang libre ka ngayon," si War.

Tatlo lang silang magkakaibigan: si Hayes, Klix, at War. Nakikita ko na silang magkakasamang tatlo kahit noong elementary pa lang. That's also where I began to have a crush on Hayes. Ewan ko kung natatandaan niya pa ako, medyo matagal na rin ang huling interaction namin. Isap-bata pa kami no'n.

His Tomorrow, My Yesterday Where stories live. Discover now