Chapter 3

2.1K 54 4
                                    

Chapter 3

Bumilis ang paghinga ko nang sabihin iyon sa akin ni Hayes. Walang nagbalak sa aming dalawa na putulin ang mga tingin namin. Nananatili pa rin kami sa ganoong posisyon at ramdam na ramdam ko ang pagbubutil ng pawis sa noo ko.

I don't know what's going on, but it feels like time has slowed down. Rinig na rinig ko ang habol hininga naming dalawa. Ang pagtibok ng puso ng lalaki ay ramdam na ramdam ko dahil ang isa kong kamay ay nasa dibdib nito na tila sumasabay sa ritmo ng hangin.

Binasa ko ang pang-ibabang labi at nahihiyang tumawa bago ilihis ang paningin at alisin ang kamay ko mula sa dibdib nito.

"Mauuna na ako, Hayes." Hindi ko na inintay pa ang sagot ng lalaki at agad na itong tinalikuran.

Hindi ko kayang maramdaman ang ganoong presensiya niya. Hindi ako sa sanay na maramdaman sa iba ang pagmamahal na hinahanap ko.

I had only taken two steps when I felt his presence behind me.

"Kain tayo sa Hepa lane," sabi nito nang makarating sa gilid ko.

"Wala akong budget para riyan," sagot ko.

"Libre ko."

I nodded.

Nagpatuloy lang kami sa paglakad hanggang makalabas kami sa pinto ng roof top.

I heard him murmuring something.

"Uhm, kumakain ka ba ng street foods?" nahihiyang tanong ng lalaki habang bumababa kami sa hagdan.

Muli lang akong tumango bilang tugon. Ba't kailangan niya pa akong tununungin tungkol doon? Eh, street foods lang naman talaga ang makikita mo sa Hepa Lane. At saka, noon nakita niya na akong kumain ng kwek-kwek, hindi ba't street foods din naman iyon?

I chuckled as I tried to ignore my internal monologue. "Kumakain ako ng mga street foods, Hayes."

"Yeah-yeah, I know... I-I just.... nevermind." He chortled awkwardly.

Marami pang itinanong sa akin ang lalaki tulad ng kung anong paborito kong street foods, sawsawan, at palamig na ibinebenta sa Hepa lane. Sinagot ko naman ang mga iyon na may ngiti sa labi dahil ayaw ko namang makita niya o mapansin niya na hindi ako interesado sa mga tanong niya.

Nang makarating kami sa Hepa lane ay agad kaming lumapit sa isang stall ng mga street foods. Lalaki ang nagluluto at babae naman ang nag-a-assist ng mga customer. Maraming tao ang nakapalibot sa mga iba't-ibang stall dito sa hepa lane ngunit mas kapansin-pansin ang dami ng tao sa pinuntahan naming stall kaya hindi rin kami makasingit ni Hayes sa unahan.

Karamihan ng mga narito ay puro estudyante dahil alam kong pag ganitong oras ay labasan na ng mga estudyante.

"Grabe, makakabili pa kaya tayo? Parang paubos na." Tinapunan ako nito ng tingin at ngumuso kaya mahina akong tumawa.

Ang cute niyang tingnan. 'Kita ko na rin ang pagbubutil-butil ng pawis sa noo niya. Dahil sa rami ng tao, hindi na namin maramdaman ang maaliwalas na hangin na hatid ng papalubog na araw.

Nagmakaroon ng espasyo ay agad kaming sumingit ni Hayes. Nahihiya kong kinagat ang labi nang marinig ko ang pagkalam ng sikmura ko nang makita ang mga street foods. Mayroong doong: Isaw, Betamax, Calamares, Hotdogs, at marami pang iba.

His Tomorrow, My Yesterday Where stories live. Discover now