Chapter 4

1.7K 72 7
                                    

Chapter 4

The heavens opened up with a torrential downpour just as I stepped out of the house. It's already half-past six in the morning, and I should be at school by now, but thanks to the pouring rain, I'm stuck here in the waiting shed. Sa sobrang lakas ko kay Lord, wala pang tricycle na dumadaan. Paniguradong sermon ang aabutin ko kay Ms. Galvez kapag na-late ako sa subject niya sa Philosophy.

I scowl as I sit, slightly lifting my maroon skirt to prevent it from getting soaked by the rain as it hits the ground.

Binuksan ko ang cell phone ko upang tingnan ulit ang oras at napapikit na lang ako dahil paniguradong nagsisimula na ang first period.

"Ngayon lang ako nainis sa ulan," I muttered under my breath.

Tricycles pass by, but they're always full, so I wait with a sense of forlorn hope, hoping for a miracle.

Nasa ganoon lang akong posisyon nang marinig ko ang busina ng isang kulay abong sasakyan. Hindi ito masyadong malaki at sa tingin ko ay lima lang ang kaya nitong isakay.

Malalim ang kunot sa noo ko nang huminto ito sa harapan ko. Hindi ko rin makita ang tao sa loob dahil tinted ang salamin ng sasakyan.

Dahan-dahang bumaba ang salamin ng sasakyan at nagulat ako nang bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Hayes.

My heart did somersaults when our eyes locked. Ngayon ko lang napansin na may kasingkitan din pala ang mga mata nito.

Iginilid ni Hayes ang sasakyan at bumaba roon habang may hawak na payong na kulay Amarilyo. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin dahil hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at habang papalapit ay siya ring pagbilis ng puso ko.

"Good morning," he greeted me as he reached my spot.

Awkward akong ngumiti. "B-bat ka nandito?"

He flashed a tight-lipped smile. "Malapit lang apartment ko sa bahay niyo kaya naisipan kong dumaan."

My forehead formed a crease.

Kailan pa siya nagkaroon ng apartment dito? Eh, malapit lang ang bahay nila sa school namin kaya hindi niya na kailangang mag-apartment pa.

"Ahh, kailan ka pa riyan?"

"Kahapon lang."

My heart skipped a beat, and its rhythm accelerated into a rapid dance upon hearing those words uttered by him.

"K-kahapon?" I let out an uneasy laugh, feeling like a fish out of water.

"Yup."

Nag-alok ng sakay si Hayes at tinanggap ko naman iyon agad dahil wala rin akong masakyan na tricycle ngayon at makakatipid din ako sa pamasahe.

Nang nasa loob kami ng sasakyan ay hindi na ako nagbalak na magsalita. We maintained a tranquil atmosphere, at minsan sumasabay pa ang lalaki sa kanta na nagmumula sa stereo. Bumabagabag pa rin sa akin ang isang tanong na 'bakit siya lumipat sa apartment na malapit sa bahay namin?'. Kahit nang makarating kami sa school ay naging palaisipan sa akin iyon.

"Bakit ka late?" tanong sa akin ni Yllena nang makarating ako sa classroom.

The first period ended, so I breathed a sigh of relief since there was no sermon this morning, only to realize I was absent for it.

"Walang masakyan," sagot ko.

Tumango ang babae. "Nag-almusal ka na ba?" tanong ulit ni Yllena.

Hindi na inintay ng babae ang sagot ko dahil inabot niya na agad sa akin ang isang sandwich. "Ba't pa ba kita tinanong, eh, hindi ka naman nag-aalmusal tuwing umaga dahil laging ubos ng mga kapatid mo."

His Tomorrow, My Yesterday Where stories live. Discover now