Chapter 5

1.6K 68 1
                                    

Chapter 5

My heart fluttered at Hayes' words, leaving me speechless. The question seemed to hang in the air, following me home like a broken record, etching itself into my thoughts.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Matutuwa ba ako? Kikiligin? Mahihiya? Hindi ko alam. I haven't experienced such things yet, but one thing is certain for me... masaya ako. Masaya ako dahil hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa akin.

Buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Saya na may halong kilig.

Sa loob ng isa't-kalahating buwan na pagiging magkaibigan namin ni Hayes. Alam ko na greenflag ang lalaki, hindi lang sa akin, pati rin sa iba.

Due to an inexplicable sensation. Binuksan ko ang messenger sa cellphone ko at hindi na dumaan ang gulat sa mukha ko nang makita kong may chat sa akin si Hayes. Wala akong balak na tingnan iyon dahil paniguradong wala akong mare-reply.

Pinindot ko ang profile picture ni Yllena dahil nakita kong online ito at alam kong siya lang ang makakatulong sa akin.

Sioux Haki Fernandez:

May sasabihin ako sa 'yo, teh!
Parang mamamatay ako sa kakaisip! 😭

Wala pang ilang segundo ay na-seen na nito ni Yllena at nag-react pa sa chat ko ng wow reaction.

Yllena Daria:

Tangena
Ano ba yan?
Chismis?

Sioux Haki Fernandez:

Hindi 'to chismis, pero si Hayes kasi tinanong ako kanina sa parking lot ng Jollibee kung p'wede niya ba akong ligawan. Help! Ano'ng gagawin ko? Huhu.

Muling nag-react ng wow reaction ang babae sa chat ko at nakatanggap ako kaagad ng reply mula rito.

Yllena Daria:

Putanginaaaaaa!!!
Seryoso?
Jusko. Parang nakuha mo ang jackpot sa lotto. Naol!
Ang sinagot mo?
Baka umayaw ka pa, ha. Pepektusan kita sa kiffy mo bukas!

I heaved a sigh. Pinipigilan kong tumawa dahil may kalaliman na rin nang gabi at baka tulog sa sa kabilang kuwarto si mama at ate.

Agad akong nagtipa ng reply.

Sioux Haki Fernandez:

Hindi ako sumagot.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Dahil parang hindi totoo ang lahat. Parang ang bilis. 😭

Hindi pa nakaka-reply ang babae ay umalis na ako sa chat box namin. Siguradong maiinis lang ang babae sa akin dahil sa ginawa ko. Alam ko naman na manghihiyang 'yon. Sino ba naman kasing babae ang hindi tatanggi kay Hayes kung total package na ito. Pero, hindi ko naman tinanggihan ang lalaki, hindi ko lang sinagot.

Despite my nervousness, I still pressed the profile picture of Hayes on Messenger.

Hayes Leon Makari:

I know you're not ready, Sioux.
Don't force yourself to answer.
Tatagapin ko ang magiging sagot mo.
But, if you think na ang bilis ng lahat. Matagal na kitang gusto, Sioux. Nasa elementary pa lang tayo, gusto na kita.

Nang mabasa ko ang chat ni Hayes ay napahawak ako sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang ire-reply ko... hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

I read Hayes' chat again, thinking I might have misunderstood, but no matter how many times I reread it, the same message resonated with me. Walang nagbabago. Kinurot ko pa ang sarili para maramdaman ko ba kung buhay pa ako o hindi ito isang panaginip.

His Tomorrow, My Yesterday Where stories live. Discover now