Chapter 13

1.8K 59 90
                                    

Chapter 13

Trigger Warning: The following content contains references to mortality and the concept of death, which may be sensitive or distressing for some individuals. Viewer discretion is advised.

***

Life is like a mixed bag - it has its happy moments, sad phases, and painful experiences. How colorful it turns out depends on how we navigate it. However, for some, life becomes a complicated journey when they can't find their freedom. Having a happy life isn't always in our hands; Iyon ay naka-depende sa kung paano tayo minulat ng mga tao sa mundo.

As a result, there are people who decide to end their own lives because they don't want to live in a world full of inequality, discrimination, violence, and a lack of freedom. It's as if their souls carry the weight of a thousand storms, making it a daunting task to unearth peace amidst the chaos of the world.

It becomes painful for someone who feels like they're out of sync with the world, as if they're waltzing to a different melody shaped by the expectations and judgments of others.

Maraming tao ang mas pinipiling kitilin ang buhay nila dahil sa mga taong dinidiktahan sila sa kung paano sila magiging masaya. Binibigyan sila ng limitasyon kung hanggang saan lang sila magiging sila. Sometimes, people decide to end their lives when they can no longer see a way out of the darkness. They end their own lives because they can no longer bear the heavy burdens that weigh down their souls.

Kaya piliin nating maging mabuti sa iba dahil hindi natin alam na sa likod ng pagtawa at pagngiti nila ay may mabigat na pasan-pasan sila. Let's choose kindness over hatred.

Nakangiti na ang araw nang magising ako. Today is the day we officially toss our caps in the air, marking our graduation from senior high school. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil hanggang ngayon ay parang nakalutang ako sa ere dahil sa mga nangyayari.

"Sa wakas, gising na ang birthday girl..." Mahina akong binatukan ni Yllena. "Alas singko dapat nasa school na tayo."

Inirapan ko lang ang babae. "Napaka-OA mo, may limang oras pa!"

Pinag-ekis nito ang mga braso niya sa dibdib niya. "Magmumog ka muna kaya, teh. Jusko!"

I chuckled at the woman, finding amusement, before rising from my bed to make my way to the bathroom for a morning gargle. Nang umalis ako kahapon sa apartment ni Hayes ay dito talaga ako dumaretso sa bahay ni Yllena dahil wala naman akong ibang matutuluyan sa mga oras na iyon.

She's privy to the whole saga between Hayes and me, and it's like she's hit with a reality check. Dahil tulad ko dati, akala niya rin ay walang problema sa pamilya si Hayes dahil sa pinapakita nitong pagkatao sa school.

"Nakagawa ka na ba ng valedictory speech mo?" tanong ni Yllena nang makalabas ako mula sa banyo.

I sighed. "Oo, kagabi pa."

She nodded. "Ano'ng balak mo gawin mamaya? Siguradong makikita at makikita mo siya ro'n."

When I heard that, all the pain in my heart resurfaced. It felt like I was being suffocated by what was happening. Parang dinudurog ang puso ko habang iniisip na mag-isa lang ngayon si Hayes sa apartment. I can't fathom why we have to go through this. The world has grown excessively harsh for us, and the timing of our separation seems almost like an extra twist of fate's cruel humor.

Kung bakit kailangang pang mangyari ang mga iyon at sa gitna pa na kailangan na kailangan namin ang isa't isa.

Gusto kong manatili. Gusto kong manatili sa tabi niya. But my heart cannot bear the idea that staying by his side would be the catalyst for his ruin, transforming into a chamber of fear for him.

His Tomorrow, My Yesterday Where stories live. Discover now