Chapter 6

3.2K 64 1
                                    

Chapter 6

Mabilis talagang lumipas ang oras kapag masaya ka. In the past months spent with Hayes, my heart has danced with delight, na para bang isa akong bata sa nasa loob ng isang candy store. Sa loob sa ilang buwan iyon, maraming masayang nangyari sa aming dalawa at alam ko sa sarili ko na may espesyal na espasyo iyon sa puso ko and I wouldn't trade it for anything, no matter what.

Napayakap ako sa sarili nang balutin ako nang malamig hangin. I delight in beholding the sea waves' rhythmic ballet, their harmonious tunes swirling around my ears like sweet music. Para akong hine-hele sa tunog na iyon.

"Happy birthday and Merry Christmas," I greeted Hayes with a beaming smile as he framed the sea in a photograph. Gamit nito ang kanyang polaroid camera.

He shifted his gaze toward me and offered a warm smile. "Thank you and Merry Christmas din."

Sa haba naming magkasama ay nitong linggo ko lang nalaman na December 25 pala ang birthday niya. Kung hindi ko pa talaga kinulit na tanungin ito ay hindi niya pa sasabihin sa akin.

"Ano'ng pakiramdam na ka-birthday mo si Papa Jesus?" tanong ko rito habang may nakakalokong ngiti sa aking labi.

He pouted. "I'm so happy, parang bahal na banal ako. Then the whole world prepares me food. Ang saya lang."

Parehas kaming natawa sa sagot niya kaya mahina ko itong hinampas sa braso. I used to not see this side of Hayes, genuinely surprised by the unexpected facets of his personality. Napaka-seryoso kasi ng mukha nito kapag iba ang kasama niya kahit na kaibigan niya pa. Kaya minsan ay lumulundag sa tuwa ang puso ko sa tuwing naiisip ko na sa akin niya lang ipinapakita ang ganito niyang side.

Ever since the man started courting me, we've practically been spending the whole day together. Umiikot iyon sa paglabas ko pa lang ng bahay tuwing umaga para pumasok sa school ay nakikita ko na agad ang sasakyan niya sa gilid ng waiting shed. Siya ang naghahatid sa akin papuntang school, hindi na ako tumatanggi dahil mas makakatipid ako. Pagdating sa school ay naghihiwalay na kami dahil magkaiba naman ang building at strand namin. He's in the Stem track, while I'm in the Humss track. Magkikita lang kami ulit tuwing uwian na sa tanghali para nag lunch sa Jollibee at sabay na papasok sa panghapon pa naming mga subjects. By five in the afternoon, we're already at the Main Writer Office, ready to dive into writing para sa school news paper at tuwing uuwi kami ay dadaan muna kami sa mall para mag arcade o 'di kaya'y nasa Hepa Lane kami para kumain ng street foods.

Minsan naman ay sinasama ko si Yllena sa amin ni Hayes sa tuwing may lakad kami dahil napapansin ko ang pagtatampo nito kahit na hindi nito sabihin sa akin.

Kapag walang pasok naman ay sabay naming ginagawa ang mga assignments namin sa apartment niya. Sometimes, Klix and War join us as well. Tuwing umaga naman ng sabado ay nasa nasa Bagasbas Beach kami para panoorin ang sunrise. And on Sundays, Hayes takes me to church to attend the Mass.

That's how our days have been circling in the past months, and I'm happy that Hayes has changed my daily routine for the better.

Inalis ko ang mga pumasok na buhangin sa inilatag naming kumot sa dalampasigan. Hayes wishes to mark his birthday on Isla Mercedes, where we can enjoy the delightful sight of the sun bidding adieu. Gustong-gusto kasi nito na makita ang ganda ng papalubog na araw. Well for me, I favor the sunrise over the sunset, as it signifies that there's always a silver lining, a chance to mend and make everything bright and cheerful.

Hindi na kami bumili ng maraming pagkain, dalawang box lang ng pizza at iilang bote ng softdrinks. We also bought fruits like grapes and plums, and of course, a birthday celebration wouldn't be complete without a cake. Maliit na cake lang ang gusto nito kaya iyon ang binili ko sa kanya.

His Tomorrow, My Yesterday Where stories live. Discover now