Chapter 2

2.3K 77 16
                                    

Chapter 2

Following the dramatic rendezvous between Hayes and me at the convenience store, we decided to bury the hatchet and turn over a new leaf. It's been a one month, and Hayes, along with his entourage, is a constant presence every time Yllena and I step out. Pero kahit medyo close na kami ni Hayes ay hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa puso ko tuwing nararamdaman ko ang presensya niya sa tabi ko. Lalo na tuwing nag-uusap kaming dalawa.

Pinagusapan na rin naming dalawa na hati kami sa kalahati sa gagawin naming school newspaper. Both of us are jotting down the events inside and outside of school in the notepad of the Main Writer Office (MWO). Kaunti pa lang ang mga nakasulat doon dahil wala pa namang masyadong ganap sa school. Tanging mga iilang importanteng nangyari lang sa school. May ipinasa na rin ang ibang writer ng Journalism Club na short stories and poems to be featured in the school newspaper.

Sa nakalipas na buwan, my name became even more prominent on campus because of Hayes. Marami akong naririnig na chismis patungkol sa aming dalawa dahil akala ng iba ay may relasyon kaming dalawa. Maraming nakapansin na madalas kaming magkasama at siguro ay na-misinterpret nila iyon kahit alam naman nila na assistant ko ang lalaki sa MWO. Because the guy is popular on campus, may ibang mga babaeng estudyante ang naiinis sa akin dahil inaagaw ko raw sa kanila si Hayes. Napaparolyo na lang ang mga mata ko sa tuwing nakakarinig ako ng mga ganoong usapan. Hindi ko alam kung saan nila iyon napulot pero marami naman ang natuwa dahil bagay na bagay daw kami.

S'yemre, ako na 'to, eh.

I want to be angry, but I don't know why, it's as if, even though I'm the girl, I want to fence him off from other girls who surround him. Siguro advantage ko na rin ito sa iba na may gusto kay Hayes.

Ako ang nauna sa pila. Marumi at isipbata pa 'yang si Hayes nang magustuhan ko. Sigurado ako na kapag nakita nila ang batang Hayes ay baka umalis na sila sa pila.

In recent days, I've been grappling with the enigma presented by Hayes' behavior. Sa tuwing magkasama kami, laging may laman ang mga sinasabi niya na sa tuwing napapansin ko ay napapahinto ako o kaya naman ay natatahimik ako. Iba rin ang kinikilos niya na nagiging palaisipan talaga sa akin. We've been in constant touch through various social media platforms. Halos araw-araw kaming magkausap. Hindi ko naman magawang i-ignore.

It's difficult not to make assumptions when you already understand what Hayes is trying to convey to me. Na para bang gusto niya ako. Ayaw kong mag-isip o mag-assume kasi masakit kapag umasa ka sa wala.

As they say, actions speak louder than words, but it's challenging to convince myself that Hayes actually wants me based on his actions.

Believing in the actions of a person who doesn't have words is difficult because you're relying on nothing.

"Pota. Malapit na mag second sem, mami-miss ko na naman magka-muta tuwing umaga!" naiinis na sabi ni Yllena habang may sinusulat na kung ano sa notebook niya.

Bumuntong hininga ito bago ako tapunan ng tingin. "Buti ka pa, kahit wala kang tulog, ang ganda mo."

I chortled. "Hindi kaya."

She rolled her eyes. "Alam mo, kung hindi ka lang mabait na pektusan na kita sa ulo mo dahil sa pagiging humble mo!"

Muli akong tumawa ngunit mas malakas ito kaysa sa nauna. Ayaw talaga ni Yllena na may taong pa-humble sa harapan niya. Ang plastic daw tingnan.

Pero ako? Nagsasabi naman kasi ako nang totoo. Hindi ako nagpapa-humble. Alam ko lang sa sarili ko na hindi ako maganda, maayos lang talaga ang physical features ko.

Sakto lang ang laki ng mga mata ko, set within a petite face. My nose, of a proportional size, harmonizes with the dimensions of my countenance. The striking aspect of my face lies in my lips, with their captivating heart-shaped form and a subtle hint of crimson. My eyelashes are long, framing my eyes, while my hair flows in gentle waves, extending down to my elbows. Hindi ako matangkad na babae, pero hindi naman ako pandak.

His Tomorrow, My Yesterday Where stories live. Discover now