Chapter 1

3.6K 89 1
                                    

Chapter 1

It's often weaved within the folds of knowledge that your family will act as a rock-solid barrier against the evils that stalk your existence. However, when you are no longer able to defeat the demons that inhabit your own psyche, a cruel turn of events indicates that, in my case, my family is one of those evil ghosts.

"Ginabi ka yata?"

Dumapo ang tingin ko kay mama nang magsalita ito habang nanlilisik ang mga mata nito sa akin.

"Na-extend lang po oras namin sa Philosophy, since medyo nale-late na rin po kami sa topic namin doon," wala sa tonong paliwanag ko.

Even though the truth is, Yllena and I just hung out at the park because I didn't want to go home yet.

Tumayo si mama at halata sa mukha nito ang inis. "Sa tingin mo ay maloloko mo ako?" She scoffed.

I shot her a swift glance. "Nagsasabi ako nang totoo, Ma," naging mariin ang boses ko.

"Sus, ang sabihin mo nakipagkita ka sa boyfriend mo." Mabilis na namuo ang kunot sa noo ko nang marinig ko ang boses ni ate Allyson-panganay sa aming magkakapatid.

Lima kaming magkakapatid at lahat kami ay mga babae. Sa lima, dalawa na lang ang nag-aaral dahil ang iba ay pinahinto na ni mama. Si ate Allyson pa lang ang nakakatapos sa amin habang ako at si Suzi ay nag-aaral pa.

I was on the brink of throwing in the towel on my studies, but luckily, our school director pulled some strings for me. Bukod kasi sa kilalang writer ako sa school, ay palagi rin akong dinadayo sa ibang lugar para sa iba't-ibang competition at lagi akong nananalo. So, the school director is the one sponsoring my education.

I scoffed. "Nagsalita ang buntis."

Apat na buwan ng buntis si ate sa hindi namin kilalang lalaki. He doesn't disclose to us the identity of the man who impregnated her, perhaps due to feelings of embarrassment or hesitation. Kahit wala naman siya no'n.

She's not my concern, and I'm not losing any sleep over it, kahit magkaroon pa siya nang isang dosenang anak.

Nilagpasan ko lang si mama at ate, hindi ko na naisipang magmano kay mama dahil hindi naman ito karespe-respeto. Respect is not just given to the elderly; it should be given to everyone who knows how to respect others.

"Pabigat ka na nga, wala ka pang galang sa nakakatanda sa 'yo. Ni hindi ka nga lang nagmano kay mama!" habol pa ni ate ngunit tinawanan ko na lang.

"Parinig pa more sa sarili!"

Ewan ko ba kung ano ang masamang ginawa ko sa kanila. Ever since I entered this world, it feels like I've been hearing the same old tune from them, like a broken record on repeat: 'ang sama ng ugali ko', 'pabigat', 'walang galang', at 'walang silbi'.

I've grown accustomed to ignoring them because they don't really deserve my attention. Pero kahit ganoon, nasasaktan pa rin ako. It's because in their eyes, I'm like a square peg in a round hole, and they can't quite fathom my uniqueness. So, I've learned to let them be and stay true to myself, mabuti na nga lang at nasa tabi ko si Suzi. Siya lang 'yong nakakaintindi sa akin. She's the only one who values me as a person and as a sibling.

"Ang oa naman no'n kung ifinallow ka Instagram at Twitter, tapos in-add ka pa sa Facebook!" tila gulat ang boses ni Yllena nang ikuwento ko sa kanya ang nangyari kahapon.

She shot me a swift glance. "Ni hindi nga no'n ina-accept friend request ko, 3 years na 'yong nakatambay doon!"

I chuckled. Inagaw ko mula sa kamay niya ang isang baso ng juice na dapat ay iinumin niya.

His Tomorrow, My Yesterday Where stories live. Discover now