Chapter 4 - Masters

233 14 1
                                    

"Cosma, bilisan mo riyan! Tatlo na tayong nakatira dito sa dorm!"

Kanina pa siya sinasabihan ni Path na bilisang maligo. Magkakalahating oras na kasi siyang naliligo! Mabuti sana kung tapos na kaming dalawa ni Path.

"Nagto-toothbrush na ako. Wait lang!"

"Pagpasensyahan mo na. Kaya dapat lagi natin siyang inuunahan para kahit magdamag na siya sa loob ay wala na tayong problema," sabi ni Path.

"Okay lang."

Napatingin kaming dalawa sa pinto nang makarinig kami ng katok. Hindi ba sila marunong magconceal ng presence? Nakakairita kasi.

"Ang aga naman nila!" Reklamo niya bago tumingin sa akin. "Uh, 'yung mga boys 'yon. Nasanay na kasi silang pumupunta lagi rito para lang makikain. Wala kasing marunong magluto sa kanila."

Nagpaalam na siya sa akin dahil pagbubuksan niya pa sila ng pinto. Hindi kasi pwedeng gamitin 'yung ID ng boys dito sa domitory ng girls.

"What's up, Path?"

"Anong ulam natin ngayon?"

"Path!"

"Nasaan si Cosma?"

Sumilip ako kung nasaan sila at doon ko nakita ang mga boys. For sure, sila 'yung mga kasama namin dito sa Masters. Doon ko rin nakita ang lalaking mukhang nakita ko na kung saan.

"Manahimik nga muna kayo, umagang-umaga," sita sa kanila ni Path.

"Hi! You must be the new girl?"

Hindi ako nakagalaw dahil doon. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang gagawin. Anong sasabihin ko? 'Hi?'

"I am," sabi ko at pilit na ngumiti.

Kailangan ko na talagang maging friendly... or kahit magmukhang friendly na lang. Pati kasi sa pagngiti ko ay sapilitan pa.

"Oh? Alex! Hindi ka man lang nabanggit ni Acero sa 'kin! Kamusta ka na?"

Pinanliitan ko naman ng mata iyong nagsabi non. Sabi ko na nga ba't pamilyar siya sa akin, eh!

"Kean," sambit ko ng pangalan niya. "Hindi ka pa rin nagbabago. Kapag nakikita ko 'yang pagmumukha mo, gusto kong manapak."

Noon kasi sa Saint Isidore ay siya lang, maliban kay Shai, ang mga lakas ng loob na manggulo sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya ganiyan. Childish siya, hindi naman masama, pero hindi niya bagay!

"Brutal," pagrereact niya sa sinabi ko. "Hindi ka pa rin nagbabago, cute ka pa rin."

"Alam ko."

"Cute-sized. Ang liit mo! Hindi ka pa umabot sa kilikili ko!"

Kaagad akong lumingon sa kaniya habang nakatingin nang masama. Nagsisimula na naman siya. Ganito na kami noon sa St. Isidore. Kung kailan ako nasanay sa pangungulit niya sa 'kin, tsaka siya nawala. Tapos maya-maya makikita kong narito lang pala siya all this time.

"Anyway, ako si Blank. Kung hindi pa nila kayo sinasabihan, uhm, sanayin niyo na ang sarili niyo sa paggamit ng code name niyo."

"Wreck." Pagpapakilala nung isa. "Hoy, Path! Haluan mo nga siya ng kaingayan!"

"Excuse me? Inuutusan mo ako?"

"Joke lang, boss!"

"Hi! Ako si Gray! Ngayon lang kasi kami ulit nadagdagan ng members," sabi nung isa.

"Sorry about them. I'm Crest," sabi nung isa. Meron siya nung aura ng isang leader. Nakaka-intimidate rin siya.

Teka, may leader nga ba sila rito? Sa bagay, may grupo nga bang walang leader? Syempre, wala! Malamang may leader sila-- I mean kami. Baka si Crest na iyon.

The Halfblooded WarriorWhere stories live. Discover now