Chapter 5 - Defense

217 13 1
                                    

"Hey, we need to talk."

Agad akong napatingin kay Crest ng sabihin niya iyon sa akin. Nandito kaming lahat sa gazebo na nasa Sayph Building kung saan nakalocate ang mga classrooms. Nakahilera ang mga gazebo rito, pumuwesto lang kami sa usual tambayan nila. Hindi lang din naman kami ang mga estudynateng narito. Marami nang nakatambay. Mahangin kasi.

"About?" Tanong ni Path.

"About her," sabi ni Crest at itinuro ako.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. At bakit ako ang pag-uusapan? Sinabi kong ayaw ko sa mga ganito. Hanggang sa topic ng usapan ba ay lapitin pa rin ako?

"Do you know why you're being stared at?"

Nakuha ng atensyon ko ang tanong niya sa akin. Sumang-ayon pa ang mga kasama namin sa sinabi niya dahil pati rin pala sila ay napansin iyon. Akala ko nung una ay nag-aassume lang ako, pero totoo na pala.

"No," maikling sagot ko sa kaniya.

"Do you want to know?" Tanong niya ulit.

Do I want to know? Yes, of course. I'm curious, and I hate it. Kung pwede ko lang silang tanungin nang harap-harapan ay ginawa ko na, pero bukod sa mahiyain ako, kailangan ko ring lumayo sa gulo kasi baka ma-offend o ma-misinterpret nila ako.

"Can it badly affect me?" Curious na tanong ko sa kaniya. I think hindi pa ako ready kung makakasama iyon sa akin. Kapapasok ko pa lang rito, gusto ko sana nang tahimik na buhay, kahit panandalian lang.

"Maybe. It can, tho." Nagkibit-balikat pa siya nang sabihin niya iyon.

Pinag-isipan ko muna kung aalamin ko na ba o hindi. 'Maaari.' Maaaring makasama sa akin. Depende na siguro kung paano ako magrereact or kung paano ko tatanggapin kung ano man ang sasabihin niya.

Hindi naman kasi siguro ako pwedeng titigan na lang ng mga tao for fun, 'di ba? For sure may rason. Malalim na rason. Dahil sa rason na iyon ay mas lalo akong nacu-curious.

"Tell me." Para matapos na rin.

"Is the name 'Defense' familiar to you?"

Napatingin silang lahat sa akin, hinihintay ang isasagot ko. Mukhang kilala rin naman nila siya, kahit si Acero. May background na rin kasi siya bago pa siya pumasok dito. Lumipat lang kasi sila ng parents niya sa kabilang mundo para magrelax, pero nagkaproblema yata sila kaya hindi na sila bumalik. Naikwento niya sa amin noong nasa grocery kami.

'Defense?' I think narinig ko na iyon noon. Hindi ko lang alam kung saan. Baka kay mama. Siya lang naman ang kasama ko buong buhay ko. Hindi niya siya ikinuwento sa akin, nabanggit niya lang iyon noong may kausap siya sa cellphone niya.

"I heard it once," sagot ko sa kaniya.

"Do you know who she is? What she looked like?"

Pinanliitan ko lang siya ng mata. Okay? Now my curiosity even gets bigger. Who's Defense? Is she the reason why people are staring at me? I think I want to know her.

"You look exactly like Defense, Shield," sabi ni Path sa akin. "Ngayon ko lang napansin, nawala na kasi sa isip ko ang mga lessons sa history."

"Hala! Oo nga! Are you sure you don't know her?" Tanong naman ni Cosma.

"Not at all."

Napansin kong nakangisi si Crest kaya napatingin ako sa kaniya. Masamang tingin na hindi ko sinasadya. Natural ko na lang iyong ginagawa kapag may kakaiba akong nararamdaman.

"If you want to know something about her, there's a book in the library, in the restricted section," sabi ni Crest at tumaas-baba ang kilay.

Restricted? Bakit naman nasa restricted area iyon? Ang damot, ha! Ano bang laman ng librong 'yun kasi? Violence? Makakapulot ba kami roon ng bad habits? Bakit nila iyon nilagay sa restricted section?

The Halfblooded WarriorWhere stories live. Discover now