Chapter 38 - Other World

87 7 0
                                    

"Hmm, you're early."

Hila-hila namin ang maleta namin habang palapit kami sa main gate. May ilang guards doon na kasama ni Ma'am East. Nakita ko na rin ang papalapit na sina Ma'am Variant at Ma'am Siren.

"Akala po namin kami na lang ang wala. Ang bagal po kasi ni Cosma," sabi ni Path.

"Hoy, anong ako?!" Reklamo naman nung isa.

May nakita lang akong bench doon kaya umupo muna ako. Nilabas ko na rin muna 'yung tablet at muling tumingin sa photos. Stalk ko ang file ni Defense.

Hilig niya yata ang magtake ng pictures. Nasa 10,000 plus ang photos niya. Mabuti na lang at nabanggit nilang infinite ang storage ng tablet na ito.

May pinindot ako roon at napunta ako sa pinakaunang picture. Selfie picture lang niya habang nasa isang classroom siya.

Dito pa lang ay makikita mong nag-aayos talaga siya bago pumasok. Bagay na bagay sa kaniya ang make up niya.

Pagkaswipe ko ay nakita ko ang stolen picture ni Sir Raven habang hinahawi niya ang buhok niya. Meron pa sa likod niya si Sir Grim na parang nakatulala lang. Sa tabi rin ni Sir Grim ay meron si Sir Night na hawak-hawak ang tablet niya.

Next picture ay sina Ma'am Variant at Ma'am Siren na nakaupo sa sulok ng classroom nila. Halatang may pinag-uusapan na dapat sila lang ang nakakaalam.

Natatawa na lang tuloy ako dahil bigla akong nagkainteres sa buhay nila noong panahon nila bilang estudyante rito. Ang perfect kasi ng batch nila. Kahit konti lang sila ay nasa kanila na ang lahat.

Pinagpatuloy ko lang ang pagsa-swipe sa photos niya. Ang dami kong nakitang mga bagong mukha. Nakita ko pa 'yung ibang teachers nila noon. May mga nakita rin akong familiar na mukha at alam kong nakita ko lang sila somewhere dito sa campus. Mga teachers na naglilibot.

Umabot na rin ako sa pictures nila noong nasa spa sila. Nakita kong may mga pictures siya na kasama niya sina Ma'am Variant, Ma'am Siren at si Tita Red, 'yung anak ng may ari ng spa.

"Right on time! Sir Raven, here's the card. Ikaw na ang bahala sa expenses."

Napatingin ako sa gawi nina Ma'am East. May inabot siyang card kay Sir Raven. Doon ko lang din napansing kumpleto na pala kami.

Binigyan niya na rin kami ng cards at sinabi niyang iyon 'yung debit cards namin. Kung ilang points 'yung laman ng card namin dito ay iyon din ang amount kung ilan ang meron sa card namin na kabibigay.

Meaning, may mahigit 10 million pesos ako sa card ko. Ang sarap tuloy magshopping bukas. Bili ng latest phone, ganon.

Hinila naman ni Ma'am East si Crest palayo sa amin para siguro makapagpaalam. Namiss ko tuloy bigla si Defense at si Mama.

"Hey."

Napatingin ako kay Sir Raven nang tawagin niya ang atensyon ko. Nakabukod siya sa mga kasama niya para lang lapitan ako?

Tumabi pa nga siya sa bench kung saan ako nakaupo kaya medyo nanigas na naman ako. Ayaw ko talaga ng ganito. Hindi ako komportableng may kasamang teachers kapag wala sa classroom.

"S-Sir," sabi ko lang tsaka siya nginitian.

"The tablet. Was it Defense's?" Tanong niya sa akin.

Napatango lang naman ako bilang sagot sa tanong niya. Nahihiya talaga ako. Feel ko ang bobo ko kapag kausap niya ako. Bakit ganito?

"I thought you got mine," sabi niya.

"Na kay Blank po yata ang sa iyo," sabi ko.

Parang narinig ko noon iyon sa kaniya, eh. Hindi ko naman kasi tinatanong kung sino-sino ang mga naging owners ng tablets nila.

The Halfblooded WarriorWhere stories live. Discover now