Chapter 67 - Bad Feeling

41 3 0
                                    

"Prom is scheduled two weeks from now."

Oo nga pala, may prom. Sinabi na nila sa 'kin 'yan noong may mission kami sa kabilang mundo. Nawala sa isip ko 'yan.

"So?" Tanong ko.

Hindi naman sa hindi ako interesado, pero hindi ko lang talaga hilig ang mga ganiyan. At isa pa, may dates 'yan! Sino namang magiging ka-date ko?

"Boys will give the girls a necklace as their proposal for a date," sabi ni Cosma.

"I know. Kasama ako ni Blank noong bumili siya ng proposal necklace," sabi ko lang.

Naalala ko na naman 'yong presyo ng binili niya. Hindi naman sa nagiging negative ako, pero paano kung i-reject siya ng aayain niya? Ang sakit non!

"Oh, Shield. Attendance is mandatory," sabi ni Path.

"Attendance lang pala, eh."

"And having fun is also a must," dagdag niya.

"My fun times are being alone and not getting annoyed."

"Dami mong dada. Kumain ka na nga riyan!" Saway sa 'kin ni Repulse.

My burn is getting a little better. Siguro naman ay makakalabas na ako rito bago pa magsimula ang Prom. Ayaw ko namang may malaking sugat ako sa braso habang may event. Kadiri!

"May date na ba kayo?" Tanong ni Repulse.

"Wala pa," sagot ni Cosma.

"Wala. I'm waiting for someone tho," sabi naman ni Path.

What?! Alam na kaya ni Acero 'yon? Sabihan ko nga kapag nagkita kami. Ang tagal ko na rin palang hindi nakita ang boys.

"And who's that someone, huh?" Tumaas-baba pa ang kilay ni Cosma pagkatapos niyang itanong iyon.

"Baka maudlot kapag sinabi ko pa sa inyo. Ayaw ko nga!" Pagdadamot niya.

May point. Ang dami kong na-encounter na ganiyan noong nag-aaral pa ako sa kabilang mundo. Kapag sinasabi sa 'kin ng mga ka-team ko sa volleyball noon na may ka-talking stage na sila ay bigla na lang silang hihinto pagkatapos ng ilang araw.

"Ano na nga ulit 'yong theme?" Tanong ko bigla.

Nakalimutan ko na. Pero ang alam ko ay sinabi na iyon ni Ma'am Variant dati. Hindi na ako natutuwa sa muscle memory ko.

"Diamonds and Gold," sagot ni Cosma.

Oo nga pala. Naalala kong bumili pa pala ako ng heels noon sa kabilang mundo, noong may mission kami roon.

Nakatago pa naman iyon sa closet ko kaya 'yong gown na lang ang po-problemahin ko. Sasama na lang siguro ako kina Cosma kung saan sila titingin ng gowns.

"Saan pwedeng bumili ng mga gamit at pampaganda rito?" Tanong ni Repulse.

"City Plaza pa. Hintayin na nating makalabas si Shield para sabay-sabay na tayo," sabi ni Path.

"Paano 'yong isusuot? Saan naman tayo makakahanap non?" Tanong ni Repulse.

"Gowns? Maraming pwedeng rentahan doon sa Plaza. Pero kung mayaman kayo, may isang boutique roon na puno ng magagandang dresses at gowns. Isang gamitan lang naman kaya okay na kung rent, pero kayo rin naman ang bahala."

"I want to buy my own. Remembrance ko na rin iyong gown na maisusuot ko." Pabibo talaga 'tong Repulse na 'to.

"Sabi ko nga," sabi lang ni Cosma. "Eh, 'di ikaw ay ganoon na rin?" Sabi niya naman sa 'kin.

Nadamay pa ako. Galing, ah? Nananahimik na nga lang ako rito at supposedly, nagpapahinga.

"No. Sasabihin ko kay Doctor Spice na huwag muna akong ilabas dito para hindi ako makasama sa prom na 'yan," panloloko ko.

The Halfblooded WarriorWhere stories live. Discover now