"I'm going to the academy to check something. I'll be back after lunch."
Pareho kaming napatingin ni Repulse kay Dad na kabababa lang ng hagdan. Nakatingin siya sa hologram projection sa relo niya kaya nakikita rin namin ang ginagawa niya. Kausap niya sa isang group chat ang ibang Masters.
"Okay, Dad. Ingat ka po," sabi ni Repulse sabay yakap kay Dad.
"I'll be with the other leaders," paalam niya ulit.
"Dad, kain ka po muna," sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman kung anong oras ang call time nila. Nabasa ko kanina habang naka-open 'yong convo nila.
9:30 AM ang call time nila. Alas otso pa lang naman, maaga pa. Wala namang gagawin si Dad sa academy, nakasara din naman kasi iyon kasi nag-aayos na sila ng buildings at kung ano-ano pang nasira doon.
"I'm still full, thanks. I should get going," sabi niya lang.
Umalis na siya kaya pinanood ko lang siya hanggang sa makasakay na siya sa sasakyan niya. Automatic naman 'yong gate niya kaya hindi na kami nag-abala pa ni Repulse na pagbuksan siya ng gate.
Dito kami nakatira ni Repulse ngayon sa bahay ni Dad, isang linggo na. Simula kasi noong consistent nang walang umaatake ay pinauwi na nila ang lahat. Ang tanging naroon lang sa academy ay ang mga nagbabantay na soldiers at mga Masters.
Noong isang araw ang shift naming Lethals sa pagbabantay. Ang susunod na shift namin ay sa susunod na araw pa. Mahaba-haba ang pahinga namin after ng shift na 'yon.
"Kaninong shift nga pala ang pinalitan natin?" Out of the blue na tanong ni Repulse.
Oh, 'di ba? Pareho kami ng iniisip. Akala ko noon ay gawa-gawa lang 'yang twin telepathy na 'yan pero totoo pala talaga.
"Vixens. May medical mission sila," sabi ko.
Kung hindi ko pa nababanggit, buong Vixens ay nasa Med School. Akala ko nga noon ay ang mga babae lang ang pumasok doon, lahat pala sila. Minsan ko lang naman kasi makasalamuha ang boys nila.
"Buti nalang talaga tayo kumuha ng shift nila. Sunod-sunod tuloy pahinga natin," tuwang-tuwang sabi niya.
Isang buong week kasi ang pahinga namin after ng next shift namin, whole day ang per shift ng lahat. May kaniya-kaniyang areas lang kaming babantayan sa academy.
"Pupunta si Doctor Vein mamaya para sa check-up mo," pag-oopen niya ulit ng ibang topic.
"Akala ko si Tita Tifanny?" Tanong ko. Ang alam ko kasi ay si Tita ang pupunta mamaya dahil may duty si Doctor Vein ngayon sa Central Hospital.
"Lahat ng Masters na related sa medics ang trabaho ay sumama sa Vixens. On-call daw silang lahat ngayon," sabi niya lang.
Saan na naman ba niya napulot ang impormasyong iyon? Bakit walang nakakarating sa 'kin?!
Kumuha na lang ako ng mame-meryenda ko dahil nakakaramdam na naman ako ng gutom. Tataba lang ako rito sa bahay ni Dad, eh. Puno ba naman ang pantry niya.
Si Repulse ay nagtimpla na roon ng juice kaya kinuhanan ko na rin siya ng makakain. Binigyan niya rin naman ako ng maiinom ko kaya sabay na kaming nagmeryenda sa table.
Masyado pang maaga para sa meryenda. Pero wala, eh. Nagutom ako bigla. Meron pa ngang natira sa ulam namin kaninang agahan kaya kinain na rin namin iyon ni Repulse para wala nang laman ang mesa.
"Kailan daw bibisita si Mommy?" Tanong ko sa kaniya.
Nag-aalala na ako sa nangyayari kay Mommy sa kabila. Wala pa kasi siyang update sa amin, ewan ko lang kung nagsasabi siya kay Dad. Mukhang chill lang naman kasi si Dad 'pag tinatanong namin siya tungkol kay Mommy.
BINABASA MO ANG
The Halfblooded Warrior
Teen FictionShield, a simple-looking girl but a tough one inside. Transferred to an extraordinary school called Twilight Academy. Be with her and and unlock the secrets of her mysterious family.