"May box sa tapat ng pinto."
Kinuha ko na iyon at bumalik na sa loob. Tatlong boxes na maliliit. May mga pangalan rin kami sa note per box.
Ibinigay ko na sa kanila ang box nila at sabay-sabay namin iyong binuksan. T-shirt, high waist pants na black at sapatos.
"Oh! Ito ang isusuot natin sa meeting mamaya," sabi ni Cosma na hawak-hawak na ang T-shirt.
Kinuha ko na rin iyon. Hindi pala siya cotton, jersey siya. Tiningnan kung ano ang nakaprint sa damit. Pastel yellow colored jersey na may print sa harap na logo at "LETHALS" sa ibaba ng logo.
Ang right sleeve ay may print ng logo at sa left sleeve ay "Batch 520 - Lethals." Tiningnan ko na rin ang back at nakita ko roon ang maliit na logo sa upper part at may print na "Lethal Shield" sa ibaba niya.
All in all, maganda ang pagkakadesign at talagang hindi nila tinipid ang ink dahil ang perfect ng pagkakagawa.
"Hala! Ang angas, shit!" Nakangiting sabi ni Cosma.
"Lethals pala ang team name natin, hindi namin nasabi, sorry. Hindi tayo ang nagde-decide. Ang councils ang bahala," sabi ni Path.
Wala naman akong problema sa team name. Maganda naman, eh. Kinilabutan din ako noong nakita ko ang "Lethal Shield." Mabuti na lang pala at bagay ang code name ko sa team name.
Nakaligo naman na kaming tatlo kaya nagbihis na lang ang ginawa namin. May isang oras pa naman kami bago ang sinabing oras ng magkita-kita sa venue kaya marami pa kaming oras para mag-ayos.
Kailangan naming maging presentable dahil mga kapwa Masters namin ang mga makakaharap namin mamaya. Kami rin ang pinakabata roon mamaya.
Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Kilala nila si Defense, imposibleng hindi. Natatakot ako dahil baka may masabi silang hindi maganda.
Kamukha ko naman kasi 'yung nanay ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko mamaya kapag napansin nila ako.
I should keep denying about our relationship. Pero paano kung may ilan sa kanilang may talent na malaman kung nagsisinungaling ako o hindi?
"Namumutla ka. Okay ka lang?" Nagulat ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Path sa balikat ko.
"Ah, oo. Kinakabahan lang ako," sabi ko.
Ayaw kong nag-ooverthink pero hindi ko maiwasan. Malalaking tao na ang mga makakaharap namin mamaya at may mga napatunayan na. Kami ay wala... wala pa.
"Kasama mo kami. Huwag kang mag-alala."
Buti na lang talaga at kaya kong protektahan ang sarili ko laban sa mga talent ng iba. May pabaon kasi ang talent ko. Bukod sa shield na nagagawa ko by compressing the air, kaya ko ring gumawa ng parang mental shield. Hindi nila ako kayang basahin at kontrolin sa kahit na anong paraan.
Ang sabi sa akin ni Mama ay kadalasang namamana ang talent. Hindi exactly the same, pero may pagkakapareho. Baka medyo pareho ang amin ni Defense. Code name pa nga lang, magkalapit na.
Umiling na lang ako at itinali ko na lang ang buhok ko. Ipinaayos ko na rin kay Path ang bandage sa kamay ko. Hindi ko naman kasi kayang ayusin ito, mag-isa.
Pagkatapos naming mag-ayos ay lumabas na kami sa dorm building dahil makikipagkita pa kami sa boys sa bandang canteen. Sa kabilang dulo pa kasi sila ng academy kaya dito na lang kami magkikita-kita.
Ang dami ring estudyanteng nagkalat, lalo na rito sa canteen. Halos mapuno na ang tables. Ngayon ko lang ito nakitang ganito.
"Tipikal na event prep week, 'no?" Natatawang sabi ni Cosma.
BINABASA MO ANG
The Halfblooded Warrior
Teen FictionShield, a simple-looking girl but a tough one inside. Transferred to an extraordinary school called Twilight Academy. Be with her and and unlock the secrets of her mysterious family.