Chapter 43 - Fever

96 8 1
                                    

"Lex, hindi nga?"

Kanina pa nila ako kinukulit dahil sa nangyari sa bahay kanina. Unexpected training iyon kaya alam kong sasakit ang buong katawan ko kinabukasan. Hindi ako nakapag-warm up.

"Ganon ang training mo kay Phenom Crank?" Tanong ni Erica (Cosma).

Paulit-ulit nilang tinatanong iyan. Nakarating na kami rito sa hotel room namin, iyon pa rin ang bukam-bibig nila.

"Oo nga," sabi ko. "Actually, mas malala pa roon," dagdag ko.

"Totoo ba?"

Napairap na lang ako sa kawalan dahil ayaw nilang maniwala. Hindi pa ba sila kuntento sa napanood nila kanina?

"Dude, ang lala na ng ginawa niya sa iyo kanina! May mas malala pa roon?!" Hindi makapaniwalang ni Jake (Wreck).

"Paulit-ulit kayo, ah?" Hindi ko na sila tiningnan pa dahil ini-stalk ko ang photos sa account ni Defense.

Marami rin pala siyang videos na nakuha. Talagang nagstore siya ng memories nila. Kapag nagkita kami ulit, ipapakita ko sa kaniya ang mga ito.

"Pero totoo nga?"

Huminga muna ako nang malalim bago bitiwan ang tablet. Tumingin ako sa gawi ni Kean at talagang pinakita kong naiinis na ako.

"Babatuhin na kita," banta ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

Nagkayayaan silang magswimming pero hindi na muna ako sasama. Naiintindihan naman nila iyon dahil alam nila ang nangyari sa akin kanina.

"Go ahead. Ako na ang magbabantay sa kaniya," rinig kong sabi ni Ma'am Aella (Variant).

Hindi na ako nakipagtalo sa kaniya dahil alam ko namang ayaw niyang maiwan ako rito, mag-isa. Mukhang pagod rin siya kasho-shopping kanina.

"All right," sabi ni Sir Xander (Raven).

"Ako rin po maiiwan muna. Mamayang gabi na lang po ako," sabi ni Kean.

May mga nagpaiwan na rin na iba. Parang kalahati ang pumunta sa pool at kalahati ang naiwan dito sa room.

Ang sarap din kasing matulog ngayon. Katatapos ng pananghalian tapos naka-aircon pa.

Nakapwesto na rin naman ako sa kama kaya hinihintay ko na lang na makatulog ako. Pagod ako kaya alam kong mabilis lang ako makakatulog.

"Ma'am, 'yung isusumbong ko pala!" Biglang sabi ni Kean.

"Ano iyon?" Tanong sa kaniya ni Ma'am Aella (Variant).

Ramdam ko ang paglapit ni Kean sa akin kaya napamulat ako nang wala sa oras. Ano na naman bang problema nito?

"May tinatawanan po siya sa tablet niya. Nakita niya po sa account ni Titan Defense. Video mo po," sabi niya.

Agad ko siyang nilingon para lang sapakin siya. Bakit ako lang?! Tinawanan din naman niya iyon!

"Patingin nga," sabi ni Ma'am Aella at sinenyasan niya kaming lumapit sa kaniya.

No choice kong kinuha ang tablet at lumapit kay Ma'am. Sumunod lang din si Kean sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

Marami kaming videos na nakalkal that involves Ma'am Variant. Karamihan ay ang pang-aasar ni Defense sa kaniya.

Lumapit ako kay Ma'am pero hila-hila ko rin si Kean. Sasamahan niya ako sa ayaw o sa gusto niya.

Pinaupo niya lang naman kami sa kama niya tsaka ko binuksan 'yung tablet. Ipinunta ko iyon sa photos at hinanap ang videos ni Ma'am Variant.

The Halfblooded WarriorWhere stories live. Discover now