Chapter 82 - Abducted

59 8 0
                                    

"Look, I know you're already good. But I need you to focus."

Kanina pa kami nandito sa shooting range at kanina pa ako sumasablay. Hindi naman ako ganito noong mga naunang araw. Na-drain lang siguro ako dahil sa biglaang transition ng schedule.

"I need a break, Tita. I'm sorry."

Binitiwan ko na muna ang baril at tinanggal ang earmuffs. Lumabas na ako at ramdam ko naman ang pagsunod ni Tita. Nakasalubong ko rin sina Blank at Sir Night na papasok.

"Okay ka lang?" Tanong ni Blank.

"I'm tired," mahinang sabi ko.

"Magpahinga ka muna. Gusto mo bang ipagpaalam muna kita?" Tinaasan ko lang siya ng isang kilay tsaka siya sinamaan ng tingin.

"No. Malapit naman nang matapos ang shift."

"Oo nga. Limang oras pa, 'no?" Pamimilosopo niya.

Inirapan ko lang siya at hindi muna sinagot. Sumasakit ang ulo ko na hindi ko maintindihan. Nanghihina na nga rin ako. Bumibigay na ang katawan ko.

"Seryoso nga. Nahihilo ka ba?" Tanong niya at ramdam kong concerned na siya.

Tumango lang naman ako bilang sagot. Napayuko na rin ako habang hawak ang ibabaw ng ulo ko. Napapikit na rin ako dahil parang lumalala na ang pagkahilo ko.

"Umupo ka muna." Inalalayan niya ako at iniupo muna sa sahig. Wala namang upuan dito sa labas ng shooting range. "May extra tubig ako rito. Hindi ko pa naiinuman," dagdag niya pa.

Binigay na niya sa 'kin 'yong tubig kaya uminom na ako. Hindi naman ganoon kalaki ang naitulong ng tubig pero nabawasan naman non ang pagkahilo ko, kahit papaano.

"Thank you," sabi ko at ibinalik ang tubig sa kaniya. Ayaw kong magbitbit.

"Ano? Dalhin na ba kita sa Med Cen?" Tanong ni Tita, na nasa harapan ko na pala.

"Ayaw ko, Tita," sagot ko lang.

Ayaw ko munang makarinig kay Doc Spice. Sinabihan na niya ako noon na huwag kong pwersahin ang sarili ko. Alam din naman 'yon ni Tita dahil lagi niya namang nire-remind sa 'kin 'yon.

Ayaw ko lang talagang maging papansin na palaging nagpapahinga sa gilid habang 'yong iba ay busy at pagod na sa training. Tsaka, isa pa, kailangan kong mag-training. Isa ako sa Masters at isa ako sa mga inaasahan ng academy.

"Come on. Hindi mo na kaya, bata," rinig kong sabi ni Tita.

Pagtingin ko sa kaniya ay may hawak na siyang wheelchair. Saan na naman ba nanggaling 'yon?

"Seriously? A wheelchair, in your watch?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sir Night.

"I'm a doctor, Night. What do you think are inside this watch?"

"A wheelchair is way out of my mind."

"Mind your own business," sabi ni Tita at tinulungan akong tumayo.

Iniupo na niya ako sa wheelchair at iniwan na namin 'yong dalawa roon. Mabuti na lang at malapit lang ang shooting range sa Med Cen kaya hindi ganoon kalayo ang nilakad ni Tita.

Pagpasok namin ay saktong nakasalubong namin si Doc Spice. Tinitigan niya lang ako kaya nginitian ko siya.

"Hi, Doc," bati ko sa kaniya.

"Hello. I was expecting you to come by within this week," sabi ni Doc.

Dinala na nila ako sa ER para ma-check na agad kung bakit ako nahilo. Malaki ang chance na ang dahilan nito ay 'yong dugo ko.

The Halfblooded WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon