Chapter 44 - Crest and Gray

113 11 0
                                    

"Wake up."

Ramdam ko ang pag-alog sa akin kaya napamulat kaagad ako. Naalala kong nasa tabi ko si Defense kanina bago ako makatulog pero wala na siya.

Nakita ko siyang nakatayo sa side ng kama habang hinihintay akong bumangon. Sinimangutan ko tuloy siya dahil akala ko ay paggising ko, nasa tabi ko pa rin siya.

Tinawanan niya lang ako tsaka ulit ako inalog for the last time. Nagreklamo na rin naman kasi ako.

"Come on. Magagalit sa akin si Crank kapag hindi ka nakainom ng gamot on time," sabi niya.

"L-Let me sleep," antok na sabi ko.

"Mamaya mo na ituloy. After dinner. Kailangan mo talagang uminom ng gamot para bumaba 'yang lagnat mo," sabi niya sa akin.

Pinilit ko ang sarili kong bumangon dahil nakakahiya na rin naman kung ako na lang ang hinihintay. Nakita ko kasing nag-aayos na ang iba.

"Mauna ka na po. Banyo lang ako saglit," sabi ko sa kaniya. Nauna na kasi ang Titans.

"Are you sure?" Tanong niya.

"Opo," sabi ko.

"Alright. Lock the door. I think Variant has the key," bilin niya.

Umalis na rin naman siya pagkatapos. Sumunod na sa kaniya ang iba kaya mag-isa ko na lang sa room.

Dumiretso na ako sa banyo at naghilamos na muna. Nag-toothbrush na rin ako at nagsuklay para magmukhang presentable pa rin kahit papaano.

Nang makuntento na ako sa itsura ko ay lumabas na ako. Wala naman na akong iba pang bibitbitin kaya lumabas na ako ng room.

"Oh? Bakit ka nandito?"

Nakita ko kasi si Crest sa balcony. Nakatambay siya roon habang nilo-lock ko ang pinto.

"Hinihintay ka. Tapos ka na ba?" Tanong niya.

"Yeah," sabi ko.

Sinabayan na niya akong maglakad pababa ng hagdan at mukhang may malalim na iniisip. Hindi ko alam kung tatanungin ko ba siya tungkol doon o hindi na.

"Ngayon lang kita nakitang ganyan kasaya," sabi niya sa akin.

Honestly, ngayon lang naman ako sumaya nang ganito. Parang ito 'yung kulang sa pagkatao ko na, finally, nasagot na.

"Ang pangit ng unang pagkikita namin. Susulitin ko na ang oras namin ngayon," sabi ko sa kaniya.

Ang pangit naman talaga at saglitan pa. Kung hindi ba naman kasi epal 'yung babaeng Sinister, eh 'di sana ngayon pa ang unang pagkikita namin ni Defense. Napalabas lang naman siya kasi muntik na akong mamatay noon.

"We only have a few days left before we start our mission. Spend time with her while you still can," seryosong sabi niya.

Napahinto tuloy ako sa paglakad at napasabay naman siya. Confused ko siyang tiningnan dahil sa pananalita niya.

Hindi naman siya ganoon. May problema ba siya? Never ko pa siyang narinig magsalita nang ganoon.

"Bakit ganiyan ka magsalita?" Diretsong tanong ko.

Napaiwas lang siya ng tingin at parang pinag-iisipan pa kung sasagutin ba ang tanong ko o hindi. Hindi ko tuloy alam kung magso-sorry ba ako o hindi.

"I... I just miss my father," mahinang sabi niya habang nakayuko.

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano ko siya ico-comfort. Nakita niya siguro kung paano ako itrato ni Defense. Baka ganon din siya itrato ng tatay niya.

The Halfblooded WarriorWhere stories live. Discover now