"Why do they always have to ruin something?"
On the way na kami ngayon sa bahay namin. Alam naman pala ni Kuya Rey ang tungkol sa amin. Akala ko ay normal na tao lang siya.
Kilala niya rin pala si Mama at kung saan siya nakatira. Hindi lang daw nila siya sinusugod kasi nananahimik lang naman si Mama.
Tsaka isa pa, nakakatakot naman kasi talaga si Mama. Alam nilang isa siya sa Phenoms kaya ganon na lang ang takot nila sa kaniya, including Kuya Rey.
"Kuya, sa malaking bahay po," sabi ko sa kaniya kaya inihinto na niya ang van sa tapat mismo ng bahay.
Maayos pa ang harap. Hindi pa naman sira ang pinto at wala pa namang nagkakabasagan.
Tumakbo na ako papunta sa pinto tsaka ko iyon binuksan. Tama nga ang hinala ko at nasa loob na sila. Nilalabanan sila nina Tito Zip at Tito Law.
"Sinabi ko sa iyong huwag na siyang papuntahin dito!" Inis na sabi ni Tito Law pagkakita niya sa akin.
"Hindi talaga mapagsabihan si Crank!" Sabi naman ni Tito Zip tsaka sinipa ang isang Sinister.
Kung tama ang pagkakabilang ko, nasa anim ang Sinisters na sumugod ngayon dito. Lumabas ako sa bahay at binuksan ang maliit na kwarto sa labas.
Kinuha ko ang paborito kong pana tsaka ako bumalik sa loob. Mabilis ko iyong itinutok sa isa at mukhang napatigil sila.
Napapagod na sina Tito kaya alam kong malalakas talaga ang anim na ito. Parang pinaglalaruan nga lang nila sina Tito.
Hindi rin sila nadala sa presensya ng Titans. Hindi nga nila sila pinansin dahil ako ang nakita nila.
"So, it's true," sabi nung tinutukan ko.
"Sa dami ng bahay namin, bakit gustong-gusto niyong gumagawa ng eksena sa bahay na ito?" Asar na tanong ko sa kanila pero parang wala lang silang narinig.
Pansin ko ang pag-open ng sprinklers namin kaya nirelease ko na ang arrow ko. Dahil siguro sa distraction ay nabaling ang atensyon nila sa sprinklers at hindi na nila nailagan pa ang palaso.
Sa tulong ng tubig at ng arrow na meron ako kanina, nakuryente sila which lead to their unconsciousness. 'Yung arrow ko kasi ay nakakagenerate ng kuryente. Iisang piraso lang ang ganoon ko kaya mabuti na lang at hindi ako sumablay.
Napalingon naman ako at nakita ko si Mama na nasa tabi light switches. Ang isang switch kasi roon ay para sa sprinklers. Sinabi iyon ni Mama sa akin para pagdating ng panahon ay hindi ako babagal-bagal.
"Good job!" Puri niya sa akin tsaka niya ginulo ang buhok ko na parang bata.
"Ma, maglipat ka na," sabi ko lang tsaka muling inayos ang buhok ko.
"I told you, next month. Wala akong time lumipat ng bahay," sabi niya tsaka nilapitan ang anim na Sinisters na nakahandusay.
"Nahirapan kayo rito? Weak shits," kaswal na sabi niya kina Tito.
"That one is Sir Rum. What do you expect, huh?" Tanong ni Tito Law at ibinato kay Mama ang hawak niyang kutsilyo.
Effortless lang iyon sinalo ni Mama at nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. Napaiwas pa nga ako.
"Mama naman!" Reklamo ko.
"Hindi pwedeng mahina ang sikmura mo, Lex. Iba na ang industriyang kinagagalawan mo ngayon," sabi niya tsaka hinugot ang kutsilyo.
Binato niya kasi iyon sa hita ng isang Sinister at talagang bumaon ang buong blade. May nagsitalsikan pang dugo. Hindi man lang din siya nagising, dahil siguro sa electric shock.
BINABASA MO ANG
The Halfblooded Warrior
Teen FictionShield, a simple-looking girl but a tough one inside. Transferred to an extraordinary school called Twilight Academy. Be with her and and unlock the secrets of her mysterious family.