1

1K 27 0
                                    

"Hoy! Ano ba yang ginagawa mo?"

"Wag kang magulo Crisostomo! Desperada na ako! Malapit ng mag college night! Ayoko namang pumunta dun ng walang ka-date!"

"Alam mo, kesa yan ang binabasa mo ito dapat! May long quiz tayo sa stat." Tama bang ihagis sa akin yung libro?

"Hay! Kaya di ka makahanap ng girlfriend e. Pwedeng pwede kang ilaban as Mister Righteous ng Baranggay Katimtiman! We only live once kaya enjoy-in mo buhay mo! Malay mo mamaya sa sobrang init ma-heat stroke ka, e di hindi mo man lang naenjoy yang life mo!" Inirapan niya ako at tinuon na lang yung pansin sa libro. Back to biz na rin ang peg ko.

Nagbabasa ako ng mga story sa Wattpad. Nirecommend sa akin to nung kaklase naming bakla. Sabi niya kung gusto ko daw magkaboyfriend, hanap lang daw ako ng story na pwede kong gayahin yung strategy.

"Hindi ka pa ba gagayak?"

"Mamaya na." Pang labing tatlong beses na akong tinanong ni Crisostomo mula kanina at panglabing tatlo ko na rin siyang sinagot.

"Anong mamaya na? Malelate na tayo!"

Ito talagang si Mister Righteous! Bakit ko nga ba naaatim na kasama to? First, kababata ko siya. Second, matalino yan. Kailangan ko ng katulong sa paggawa ng mga school works. Third, bestfriend ko siya. Fourth, wala na akong ibang ka-close. In short, no choice! Kaya magtiis ka!

"Mauna ka na nga lang! Mukhang sabik na sabik kang pumasok! Go my son! Soar high and aim high!!" Itinaas ko pa ang mga kamay ko para saktong sakto ang actions ko sa sinabi ko.

Umiiling iling naman siya at nagsimula na namang magbasa. This is so not cool! Malapit na ang ball. Ilang araw na lang. Itong kasama ko, mukhang wala atang balak umattend. Masyadong siryoso sa buhay!

Kanina pa ako nagbabasa ng story sa Wattpad at heto nga may nahanap na akong magandang isabuhay. Hahaha!

Sa umpisa nalate si girl. Sakto! Dapat magpalate din ako. Kailangan ko ng maligo! Dapat kung gaano kalate si girl ganun din ako. This is my last chance to find love! Kailangang kailangan ko to!

Mission: Find Mr. Right!

MISSION: Find Mr. Right (Completed)Where stories live. Discover now