10

395 21 0
                                    

Alam niyo yung palandi effect sa fairytales at pelikula? Yung kapag bababa yung bidang babae sa hagdan parang nagi-slow mo ang paligid? Ganun ang nararamdaman ko ngayon! Pakiramdam ko akin ang gabing to! Yung tipong ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo! Kahit kontrahin pa ako ng kahit sino jan, walang makakapigil sa akin!

Habang pababa ako sa hagdan nandun si Crisostomo. Hinihintay lang ako dahil syempre ang mga prinsesa kailangan ng prinsipe. Nakangiti lang siya habang pinagmamasdan akong bumaba sa hagdan.

Grabe, hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang si Crisostomo ang naging date ko sa ball. Yung iba pinagdududahan pa yung panliligaw ni Crisostomo sa akin. Madalas ako ang hinuhusgahan. Sabi pa nila, nagustuhan ko lang daw si Crisostomo dahil sa make over niya. Dati naman daw hindi ko napapansin si Crisostomo pero dahil sa creation ni bakla nangati na daw ako.

Alam niyo naisip ko rin yan. Baka kako nadala lang ako kasi di hamak na nakita na ang buong mukha ni Crisostomo kumpara sa dati na natatabunan siya ng salamin. Sa pagiisip ko, narealize ko na, naghihintayan lang pala kami.

Pagbaba ko sa hagdan ay agad isinuot sa akin ni Crisostomo yung corsage. Sobrang ganda! Bagay na bagay pa sa outfit ko! Sigurado maiinggit si Gandara pag nakita to!

"Tara?" Aya sa akin ni Crisostomo. Paglabas namin, nakita kong may nakaparadang jeep sa harapan ng bahay namin. Natawa ako ng marealize kong, yun ang sasakyan namin.

"O sige na. Humayo na kayo at magpakarami!" Pinagtulakan pa kami na mama.

"Mama pakarami agad? Ni hindi nga ata ako kayang halikan netong si Crisostomo e."

"Sus ewan ko sa inyo. Sige na!" Sumakay na kami sa jeep. Aba! Special trip to kaya wala ng abutan ng bayad at syempre wala ng papara! Amin lang talaga to! Just for me and Crisostomo! Nakanang english!

"Girl! Ang ganda mo! Impernes mukha kang tao ngayon." Salubong sa amin ni Bakla pagkapasok namin sa venue.

"Bakla wag mo kong umpisahan. Baka gusto mong tanggalin ko yang fake lashes mo!" Nagharutan pa kami ng nagharutan ni Bakla hanggang sa makarating kami sa table.

"Ang g-ganda mo El." Napalingon ako kay Crisostomo sa biglaan niyang pagsasalita. Mukhang nahihiya pa siyang sabihin. Jusko! Buti na kang ngayon mo sinabi! Pakiramdam ko kasi namula pisngi ko. Tinakpan ko pa ito kahit alam ko namang imposibleng makita niyang namumula to dahil sa madilim sa lugar namin.

"Uy tama na yang kachorvahan niyo! Nagsisimula na!" Suway ni Bakla.

Natapos na ang program proper kaya ang ibig sabihin nito ay party party na! Agad akong hinila ni Bakla sa dance floor, hinatak niya din si Crisostomo kaya kaming tatlo ang magkakasayaw. Namawis na ang kili kili ko kakaparty! Tinanggal ko na nga yung heels ko para makahataw.

Ilang masisiglang tugtuog ang natapos hanggang sa magpalit ito ng isang slow music. Tinignan ko si Bakla at may kaslow dance na ang luka! Nilingon ko pa yung ibang estudyante at nagsisipagemote na rin sila, pati ata sila mam at sir nagsasayawan na.

"Can I have this dance?" Inilahad ni Crisostomo ang kamay niya. Agad ko itong tinanggap at nginitian niya ako. Ipinatong niya ang dalawa kong kamay sa balikat niya habang ang mga kamay naman niya ay nasa aking bewang.

"Akala ko di na mangyayari to." Bulong niya sa akin. Ramdam ko ang init ng hininga niya dahil sa sobrang lapit nito sa tenga ko. Nakiliti pa nga ako dahil dito pero syempre di ko pinahalata.

Inamin sa akin mi Crisostomo na matagal na pala siyang may gusto sa akin. Natatakot lang siya kasi iniisip niya na baka ireject ko siya dahil bilang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Ako naman narealize ko na sa sobrang tagal na pala naming magkakilala ni Crisostomo nasanay na ako na lagi siyang nandyan. Yung tipong hindi ko lang alam pero may something na pala na nabubuo sa puso ko. In denial kumbaga.

Paano ko ba naman malalamang may chance pala kami e halos maging taong version na nga kami ng aso't pusa. Sobrang opposite. Matalino siya, ako hindi gaano. Masipag siya ako pwede na. Matino siya ako bahala na.

"Ano pala yung sinabi ni tita kanina?" Nilayo ko ng kaunti yung mukha ko sa kanya para tignan siya.

"Alin dun? Yung humayo kayo't magpakarami?" Tumango siya. "O anong problema mo dun?"

"Ano yung sagot mo kay tita?" Naglalaro pa sa mga labi niya ang isang pilyong ngiti. Anyare dito?

"Na hindi mo ko kayang halik--" Bago ko pa man matapos yung sasabihin ko ay hinalikan niya na ako! Hindi sa lips a, sa noo lang. Baka magassume ulet!

"Ano ulit yun?"

"Hindi mo ko ka--" This time sa ilong naman niya ako hinalikan.

"Pakiulit." Ngiting ngiti siya habang sinabi ito.

"Patapusin mo kasi muna ako!"

"Sige."

"Ang sabi ko hindi mo naman kako ako kayang halikan! Dito sa lips next a!" Tinuro ko pa yung labi ko. Tinawanan niya lang ako habang ginagawa ko yun. Tumaas yung kilay ko sa ginawa niya. Nagpout pa ako pero mukhang walang balak!

"Bahala ka nga dyan!" Tinalikuran ko siya pero agad niya akong hinila at hinalikan sa...lips!

Lahat ng paruparu sa tyan ko naisuka ko na sa kilig.

At the end of the day magkakaroon ka pa rin ng realizations. Sabi nga nila True love waits. Kung lagi mong minamadali ang lahat, madali din itong maglalaho sayo.

Hindi mo naman kasi talaga kailangang hanapin si Mr. Right. Kasi naman sa totoo lang may mister right na para sa atin. Kailangan lang nating maghintay ng tamang panahon. Sabi nga sa kasabihin: "Good things happen to those who wait."

Mission: Find Mr. Right...ACCOMPLISHED!

MISSION: Find Mr. Right (Completed)Where stories live. Discover now