8

251 16 0
                                    

Hinatid namin ni mama si baks at Crisostomo sa labas ng bahay. Hindi naman malayo yung bahay nila Cris sa amin pero si baks kailangan pang magtricycle.

Nauna akong pumasok kay mama. Umupo ako sa sofa namin sa sala at nanuod ng TV. Naghanap ako ng magandang mapapanuod. Kakalibot ko natapat ako sa pelikula. At ang mas nakakairita dun, 'Bakit 'di Ka Crush ng Crush Mo' pa ang palabas. Oo na! Ako na sawi! Ako na hindi crush ng crush ko! Itong si Ramon Baustista timing na timing din e! Pinatay ko na lang yung TV.

"Anak. Wag mo ng damdamin. Asyumera ka kasi e." Umupo sa tabi ko si mama at inagaw sa akin yung remote. Nakalimutan kong KimXi fan nga pala to kaya malamang papanuorin niya yung pelikula kahit pang-53 na beses na niya yun napapanuod!

"Mama naman e. Sakit mo magsalita." Humalukipkip ako at tumingin na lang sa TV. Tawa pa ng tawa si mama! Josko! Hindi ba to nananawa?

"Ikaw kasi, ang hilig mong madaliin ang mga bagay bagay. Ano naman kung wala ka pang boyfriend? Ako nga 23 na nung nagkaboyfriend at hindi ko pinagsisisihang late na ako naglandi kasi tignan mo naman yung first boyfriend ko naging asawa ko ngayon." Wala naman akong panlaban dyan mama. Hinahaluan mo na ng mala-MMK mong story e. Tumayo ako sandali para kunin yung palabok sa lamesa. Bumalik ako sa tabi ni mama at nagcross legs.

"Kasi naman mama gusto ko ang makakapartner ko sa ball special! Unang ball ko to. Wala kaming JS nung high school kaya technically ito ang unang rampage ko! Gusto ko memorable." Sumubo si mama sa palabok na dala ko.

"So pag wala kang boyfriend, hindi magiging memorable yung ball mo? Anjan si Gandara, si Cris pati na yung iba mong classmates. Ano pang hinahanap mo? Nasa sayo naman yung kung gagawin mong special yung ball na yun." Bakit ganun? Nawawalan ng sense yung reasoning ko sa tuwing si mama na nagsasabi. Bakit nga ba kailangan ko ng boyfriend.

"Anak, lahat kasi ng bagay dumadating sa tamang panahon. Hindi mo basta basta makukuha yun sa kisap lang ng mata. Kailangan mo maghintay. Wag kang mainipin. Kasi ang magagandang bagay nangyayari sa mga taong nagpupursigi at naghihintay." Napasubo tuloy ako sa palabok. Si mama kasi bigla bigla na lang nagsisiryoso. Di ba pwedeng daanin na lang din niya sa patawa yung mga advice niya.

"Mama! Why so serious?! Ayoko na! I give up! I-dedelete ko na si Prince! Masaya na ko. Happy and contented."

"Wag ka maingay nak. Ito na yung favorite scene ko!" Sinuway ako ni mama kaya natawa na lang ako. Nanuod na lang din ako ng movie kasama ang pjnakaspecial na tao sa buhay ko, my mama!

MISSION: Find Mr. Right (Completed)Where stories live. Discover now