9

261 15 0
                                    

Mag-isa akong maglalakabay papunta sa school. Hindi daw ksi makakasabay si Crisostomo dahil may usapan na sila ni Bakla. Buti pa si bakla namumukadkad ang love life subalit ako, nganga!

Hanggat maaari tinanggal ko na sa kokote ko yung mga pinaggagagawa ko nung nakaraan. Ngayon ko lang narealize na, shunga pala talaga ako para gawing batayan yung story na yun para makahanap ng jojowain. Naunawaan ko na rin na yung mga story na yan ay para lang mabigyan ka ng inspirasyon. Parang pampalipas oras lang at pandagdag kulay sa buhay. Ano nga bang masama kung maghanap ka ng lalaking kagaya ng bidang boylet sa nabasa mong story? Wala naman davah! Wag ka lang oover sa pagkahumaling kasi at the end of the day fiction pa din naman yung mga yun.

Alam naman siguro ng mga mahihilig magbasa ang ibig sabihin ng fiction kaya wag tayong mayadong magdepend.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni muni ng mairita ako sa dalawang lalaking panay ang chikahan sa harapan ko. katapat ko pa naman din at lalaki pa tapos daig pa ang babae kung magchismisan! Hoy mga koya! Hindi lang kayo sakay netong jeep! Baka pwedeng hinaan niyo kahit konti yang mga bibig niyo! May mga gustong matulog o!

Napairap na lang ako sa sobrang inis. Buti pa si kuyang mukhang model, halatang lalaking lalaki! Hindi masatsat, tahimik lang na nakasakay sa jeep. Tinignan ko ito dahil mukha siyang model pero nakasakay sa jeep. Hindi bagay sa kanya ang ganito kausok na sasakyan. Nakita kong may kinuha siya sa bag niya, cellphone pala an mind you! Iphone 6! Siya na yayamanin. May pinindot siya at itinapat yung phone niya sa tenga niya.

"Haloo! Sister! Ya! I brought your order!..Oo naman!..Pulang pula labi mo pag ginamit mo yun!..Ay, waley. Di ko nadala yung brochure pero bagay na bagay na sayo yung MAC lipstick na dala ko...Okay, okay. See ya! Bye!" Anak ng putput! Bakla! Lord! Ano po ba nangyayari sa Earth? YUng mga gwapo nagiging maganda na! Paano na po ang mga kagaya kong wala pang napipikot? Baka maubusan ako! Baka ang tanging paraan na lang para magkajowa ay rape-in si Gandara! Pag talaga no choice na ako si Gandara na lang liligawan ko!

"Bayad po." Natigil ako sa pagdeday dream ng marinig kong may nagbayad. Inabot ko ito at ibinigay kay manong.

"SMU po, estudyante." Ibinalik ko yung sukli sa nagbayad at literal na nalaglag yung panga ko! Seriously! May ganito pa palang kagwapong lalaki! Dinaig pa si kuyang model na gay!

"Ahh. Miss yung sukli ko." Dun ko lang narealize na naibulsa ko pala yung sukli ni kuya! Tangines! Nakakahiya! Lupa! Kainin mo na ako! Dali dali kong kinuha yung sukli niya at iniabot sa kanya. Pakiramdam ko magkakabeke ako kakapigil sa sarili ko na lingunin si supapapalicious! Kinuha ko yung phone ko at agad na ichinika ito kay bakla!

"Mga anak lipat muna kayo sa kabilang jeep. Nasiraan ata ako, ayaw umandar e." Natigil ako sa pagtatype ng sabihin ito ni manong. Nagsibaba yung mga kasakay ko sa jeep, syempre pati na ako. Nauna akong sumakay sa kabilang jeep. Kinuha ko ulit yung phone ko at nagtype na. Pagkatapos kong magsend ay noon ko lang napansin si kuyang inagawan ko ng sukli na katabi ko pa ngayon.

Nanlaki yung mata ko ng biglang pinatugtog ni manong yung Jeepney Lovestory ni Yeng at dun ko lang narealize na lahat ng nangyari kanina ay nahahawig sa story na binasa ko!

"Miss hindi mo ba ako nakikilala?" Tinignan ko si pogi pero umiling lang ako kasi naman kung may kakilala akong ganyan kagwapo aba e hindi ko makakalimutan yun.

"Sandali." My kinuha siya sa bag niya at isinuot niya ito."

"CRISOSTOMO?!" Tumawa pa iya ng malakas ng naisigaw ko to. Nagsorry pa ako sa mga kasakay namin sa jeep dahil pati sila ay nagulat sa pagsigaw ko.

"Sobrang nagbago ba itsura ko? Si Gandara kasi ang kulit e." OMG! Totoo bang si Crisostomo to?! Paano nangyari to?

"Sani ko kasi kay Gandara tulungan akong magkaconfidence para magkalakas ng loob akong tanungin ka."

"Tanungin ng ano?" Nginuso niya yung mga taong katapat namin at isa isasilang naglabas ng banner.

"WILL...YOU...BE...MY...DATE? Ako?" Paglilinaw ko.

"Ayaw mo ba? E maging girlfriend ba, pwede?" Ako naman ngayon ang tumawa.

"Hmm. Approve akong maging ka-date mo pero yung maging girlfriend? Malabo e." Kumunot naman yung noo niya sa sinabi ko.

"Paanong malabo?"

"Aba kahit na malantod ako gusto ko din namang nililigawan!" Sabay pa kaming natawa. Hayy. Ito talagang si Crisostomo! Lakas makapamwisit! Gwapo naman pala pinahirapan pa ko! Chos!

MISSION: Find Mr. Right (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt