7

284 17 0
                                    

"Bakla!! Taken na si Prince!" Agad kong tinawagan si bakla ng nalaman kong may girlfriend na pala si Prince! Lahat ng pangarap ko gumuho. Feeling ko nagmukha lang akong tanga kakaasa sa wala! Akala ko yun na. Akala ko siya na.

"Ayan na nga ba kasi sinasabi ko sayo." Tinignan ko ng masama si Crisostomo. Si mama kasi e, pinapunta pa to. Naluluka na daw ako kaya tinanong niya si Crisostomo kung ano ba ang nangyayari sa akin.

"Hindi ka naman nakakatulong e!" Hinampas ko si Crisostomo! Ang kailangan ko kaibigan, hindi nanay na sesermunan ako magdamag! Si mama nga di ako pinagalitan! Si bakla naman panay ang himas sa likod ko.

"Kasi naman baks, I told you! Joke lang yun! Ikaw naman kasi patola!" Sinabunutan pa ko! Gaga to! Malay ko bang joke lang pala yun. E totoo namang effective, kitams nangyari nga sa akin e. Ang problema lang may ka-love team na pala si Prince. Kaya ang nangyari ako ang kalove triangle! E paano ko pa ipupush kung taken na! Ayokong maging mistress! Nakaka-stress yun!

"El naman, malaki ka na. Dapat alam mo na kung ano ang tama at hindi. Ano naman kung wala kang date sa ball? Ano naman kung wala ka pang boyfriend?" Mas lumakas pa yung hagulgol ko. Nakakaloka naman tong pinagsasasabi ni Crisostomo e. Hindi man lang dinadahan dahan! Meseket pa kaya! Isampal ko sa kanya yung nalalakihang salamin niya e!

"Cris naman! Don't be to harsh! Crayola to da max na nga itong friendship natin inaaway mo pa!" Buti pa tong si baks naiintindihan ako. Tinulak ko si Crisostomo para umalis sa kama ko. Mas pinalalala niya lang e.

"Tama na yan baks. Wag mo ng pansinin yang si Cris my loves ko. Though my point siya. Kasi naman pwede ka namang magenjoy sa ball ng walang kadate! Hindi naman requirement yun! Nakakaloka! Kung makaarte akala mo naubusan na ng boylet. Fresh na fresh ka pa, batang bata! Walang dahilan para magmadali!" Mas lumakas pa ang hagulgol ko. Mas maganda pa rin kapag may kapartner ka. Feeling prinsesa ang peg ko! Tapos yung dapat na partner ko prinsipe talaga! Di ba mas maganda yun!

"Elice! Tama na yan. Anak naman, baka akalain ng kapit bahay namatayan tayo. Sobra yung iyak mo e, para kang nabyuda! Ako nga nung nawala ang papa mo silent iyak lang ako!" Pumasok na rin pala si mama sa kwarto ko.

"Masakit kasing umasa ma." Binatukan ako ni mama. "Aray ma a. Masakit!"

"Masasaktan ka talaga! Kukurutin ko yang singit mo e! Kabata bata mo pa kumekerengkeng ka na! Sinabi ba nung prinsipe mo na umasa ka? Ang hirap kasi sa mga kabataan ngayon, ang hilig mag-assume." Umupo na rin si mama sa kama ko. Nakatingin lang sa amin si Crisostomo habang si bakla panay ang kunsinti kay madir!

"True tita! Ayan kasing anak niyo. Akala ata bida sa teleserye! Si Cinderella nga gusto lang pumunta sa ball e, add-on na lang si Prince Charming! Tapos ikaw, prinsipe agad! Kati mo din kasi friend e!" Tumango tango pa si Crisostomo. Hinampas ko si Crisostomo at Bakla. Minsan din iniisip ko kung ako ba talaga kaibigan neto e. Hilig din maglaglag netong dalawa e.

"Bakla a. Baka masira mo beauty ko, mas malaking problema yan! Baka ako pa hindi makaattend ng ball." Hinarang harang pa ni bakla yung unan para di siya tamaan.

"El bakit kasama ako? Siya lang naman ng aasar sayo e." Sabi ni Crisostomo habang sinasangga din yung unan. Napakamot na lang si mama sa ulo sa pinaggagagawa namin.

"Ang gugulo niyo. Elice, lubayan niyo na yan. Wag ka ng maginarte hindi bagay sayo." Huminto na ako sa paghampas sa kanila.

"Si bakla kasi e! Ikaw ang nagadvice sa akin na gawin yun e."

"Ikaw pala may kasalanan luka ka e." Piningot ni mama si bakla. Si bakla naman ay mukhang hindi maipinta ang mukha.

"Tita naman. Jinojoke ko lang siya nun! Yan ho kasing anak niyo pinaglihi niyo ata sa patola!" Binitawan na ni mama si bakla. Natawa pa ako sa itsura niya e. Mukhang natatae.

"Ikaw naman kasi, alam mong yang batang yan e uto uto e!"

"El kung ako sayo yung project na lang ang pagkaabalahan mo." Ayan na naman si good boy! Crisostomo naman e. Sinasabay mo pa yung kabautan mo e. Pwede bang time out muna sa school works? Broken na nga ako e.

"O tignan mo. May mas dapat ka pa palang pagkaabalahan. Wag ka magalala ihahanap kita ng escort. Gusto mo ba si Tonyo? Yun na lang. Titino naman itsura nun pag naayusan." What? Madir naman! Pati ba naman yung nagdedeliver ng mineral water sa atin irereto mo sa akin! Grabe naman yung suggestion mo. Baka mas lalong hindi ako pumunta sa ball. Para akong may kasamang wanted nun.

"Tita naman ang shonget ng like mo. Kung gusto mo si Jepoy na lang."

"Okay na pala ako. Alam niyo na realize ko na okay lang palang umattend ng walang escort. Wala ka pang aasikasuhin no. Tara nakamove on na ko." Tumayo na ako sa kama at oinunasan yung uhog ko. Sino ba namang gaganahan umattend kung ganun yung mga escort mo. Jusko baka harangin kami sa entrance.

"Magsibaba na kayo may pagkain sa kusina. Sabay sabay na kayong kumain." Sumigaw pa si bakla sabay harurot pababa.

MISSION: Find Mr. Right (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon