4

295 17 0
                                    

"Anong thank you Lord? Nagpapasalamat ka ba't nakasabay mo ko? Sus. Maliit na bagay lang yun." Ang lakas na naman ng hangin! Kelan kaya mari-realize ng lalaking to na hindi naman siya ganun kagwapo para maakit ako. Hindi kagaya ni Mr. E, ngiti palang nagwawala na ang strap ng bra ko.

"Ano pang ginagawa mo dito?" Nandito na kasi kami sa tapat ng bahay ko.

"Baka kasi malungkot ka kapag umuwi ana ako. Sige na sulitin mo na ko. Alam ko namang thankful na thankful ka kapag nakakasama ako. Halos ipagsogawan mo nga di ba." Ayan ang laki ng ulo nito o. Paano niya kaya nabubuhat yung ulo niya tsaka yung mukha niya. Ang kapal e.

"Kung may ipagpapasalamat man ako kay Bro, hindi ikaw yun! Umalis ka na nga!" Papasok na sana ako sa loob ng hatakin ako ni Cris.

"Bakit na naman!"

"May assignment tayo! Gawin mo! Itetext ko sayo kung anong page!"

"Teka, hindi mo ba ko tutulungan?"

"Hindi! Busy ako." Umalis na siya at naiwan akong nakatayo sa may gate. Ano ba yun? Baliw talaga yung Crisostomo na yan!

Pumasok na ako sa loob at agad na dumeretso sa kwarto pagkabati ko kay mama. Kinuha ko agad yung phone ko para basahin muli yung story. Isang malaking coincidence lang ba na nangyayari din sa akin yung mga nangyayari sa story? Bakit parang isinulat to para talaga sa akin? Possible nga kaya yun? Gosh! Parang nagsosolve ako ng isang mystery puzzle. Sa sobrang pag-iisip ko sa mga nangyari kanina ay hindi ko namalayang magmamadaling araw na. Napagdesisyunan kong matulog na dahil ayoko namang magmukhang losyang sa harap ni Mr. E. Hindi ko na nga nagawang kumain dahil nabusog na ako sa kakaalala sa mukha ni Mr. E. Kinikilig na naman ako! Makatulog na nga lang!

MISSION: Find Mr. Right (Completed)Where stories live. Discover now