5

266 17 0
                                    

Pagkapasok na pagkapasok ko, agad kong ikinwento kay bakla yung nangyari. Masyadong mabilis lahat nb pangyayari at halos hindi ko na nga rin tanggalin yung band aid na idinikit niya sa braso ko. Kung hindi lang talaga nawala yung dikit nun hindi ko talaga papalitan yun.

Maingay pa din yung mga kaklase ko dahil sa upcoming ball. Hindi na ako O.P. dahil I can smell my victory! Makukuha ko rin sa Prince Charming bago magball. Ito na o. Na-fifeel ko na!

"Bakla baka naman hindi worth it yang effort mo!" Kontra ni Baks. Amg nega talaga!

"Kung makikita mo siya sure akong baka makikiagaw ka din." Nag-evil laugh pa ako.

"Tara labas tayo ang init dito sis. Kakaretouch ko lang e." Reklamo ni bakla. Every minute ka nga kung magretouch e!

Tumayo na kami at naglakad palabas. Sa sobrang lampa ko, nakalimutan kong may basag nga palang tiles dun sa back door kaya natalisod ako. Halos linisin ko na yung sahig sa katangahan ko. At sa corridor pa ako naghasik ng kashungahan!

"Miss okay ka lang?" Tinulungan akong tumayo ni...Prince Charming?!

"Shemay. Totoo ba to o nananaginip lang ako?!"

"Ha?" Nagtatakang tanong sa akin ni Mr. E. Hindi pa ako gaanong makarecover sa pagkadiscover ko na si Prince Charming ko pala ang tumulong sa akin. Grabe! May chance na akong titigan siya ng bongga! Sinundot sundot ko pa yung pisngi niya para lang masiguradong totoo siya at hindi ako nagdedaydream lang!

"Bakla! Totoo!" Sigaw ko kay bakla ng mapatunayang tunay nga ito at hindi japeyk! My savior! Siya na talaga! Dapat kong ma-achieve na siya na ang maging partner sa ball! It's now or never!

"Prince! Tara na!" Mula sa akin ay binaling niya ang tingin niya sa tumawag sa...kanya?! Oh my bootilicious super papalicious! Prince ang pangalan niya? Siya na talaga ang best escort evah!

May sinabi siya sa akin pero hindi ko ito gaanong naintindihan dahil overloaded na ang brain cells ko sa mga new info! Lumiliit na ang mundo para sa amin! Dati rati abangers ako sa building nila pero ngayon naliligaw din pala siya sa building namin! Mukhang ito na ang senyales na dapat ko na talaga siyang i-pursue!

Sabi nga sa kanta ni Justin Bieber: "Never say never!" at ang sigaw ng mga Ginebra fans: "Never say die!". So in short, push lang ng push hanggang sa ma-achieve mo ang gusto mo!

"Girl ang laway." Pinunasan pa ni bakla ang gilid ng labi ko with her tissue. Pagkatapos ay idinikit niya pa ang ulo niya sa ulo ko at parang tangang nagdedaydream din.

"Siya ba yun baks! Imper ha! Gwapings! Ang laki pa ng pwet! Yummy!" Inagaw ko yung tissue sa kamay niya ay isinaksak iyo sa nakanganga niyang bibig. Kaloka! Hindi ako mahilig magshare kaya akin lang ang Prinsipe ko!

"Maglubay! Ibulsa ang kakirihan! Akin na yun! Madamot ako kaya I don't share!" Tinanggal niya yung tissue sa bibig niya. Nakataas pa yung dalawang daliri habang hawak yung tissue! Maarte talaga!

"Share mo na kahit yung pwet lang." Nagmakaawa pa!

"Ang baboy mo bakla! Pumasok ka na nga! Baka ipabugbog kita kay Crisostomo your loves!" Naglakad na kami pabalik sa kwarto.

"Ay push mo yan girl! Gusto ko yan! Maginoo pero medyo bastos. Get get aw!" Nag-ala sexbomb dancer pa tong gaga na to! Kahit ano talagang sabihin mo dito sa baklang to pag sa kanya na nanggagaling feeling mo nagiging bastos.

"Gaga! Maglubay ka nga! Isampal ko sayo tong upuan ko e!" Napahawak siya sa pisngi niya na para bang sinampal ko na siya. Wala pa nga akong ginagawa may acting na agad. Ibang klase talaga tong si bakla!

"Baks naman. Baka hindi na ako makilala ni Cris my loves! Speaking of my loves, nasaan na ba yun?" Nagkibit balikat lang ako. Hindi naman kami nagsabay ngayon. Ewan ko ba dun sa lalaking yun. Hindi na nga ako tinulungan sa assignment, hindi pa ako nirereplyan! Pa-bebe na naman! Kung kasing gwapo niya lang si Prince, may karapatan siyang maginarte!

MISSION: Find Mr. Right (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon