6

265 18 0
                                    

Hindi na naman sumabay sa akin si Crisostomo. Busy daw siya! Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan niya? Hindi kaya yung project? Si Mr. Kabaitan naman, masyadong siryoso sa life e! Baka maagang kunin ni Lord yun sa sobrang bait! Sipag pang mag-aral. Mag-isa tuloy akong pumasok dahil hindj ko siya kasama. Hindi na naman bago sa akin yun trip ko lang na kasabay siya.

Tumigil yung jeep para magsakay. Nandito ako nakaupo sa dulong upuan malapit sa pintuan papasok ng jeep. Konti lang yung sakaya dahil alanganing oras. Yung iba ko ngang kapwa pasahero nag-si-pag suot ng earphones para hindi mainip.

May sumakay pero hindi ko na lang pinansin. Bjglang umandar yung jeep ng walang pasabi kaya na-out of balance yung sumasakay. Buti na lang nahawakan ko siya at natulungan kong makaupo sa tabi ko.

"Thank you." Tinignan niya ako ng nakangiti at nalaglag ang panga ko ng si Mr. E pala yung tinulungan ko. Oh my monay! Nahawakan ko yung kamay niya! Yung kamay ni Mr. E! Kamay ni Prince! Parang nag ha-hyperventilate ako sa mga pinagiiisip ko.

"Okay ka lang ba miss? Ba't parang hinihika ka?" Jusko! Sino bang hindi hihikain sa kilig pag nakasabay mo na naman yung crush mo! Baka nga yung iba literal pang hinihika.

"Ay hindi hika yun. Plema yun bumara lang sa lalamunan. Wala akong hika no." Tumawa siya. Talaga nga naman! Ang gwapo niya lalo na pagnakatawa. Ang ngipin, kay puputi! Colgate smile ang peg!

"Ang dalas nating magkasabay sa jeep." Mas nagwala pa ang paru paro sa tyan ko ng malamang napansin din pala niya at kilala niya na din ako. Haruu! Kinikilig ako!!!

"Oo nga e. Ang galing no." Tulaley ang beauty ko. Wala na kong ma-say. Namamawis na kili kili ko pati na kamay at paa sa sobrang intense ng feelings! Nakakahiya!

"San ka ba nakatira?" Tinatanong niya kung taga-saan ako? Ito na ba yun? Aakyat na ba siya ng ligaw? Oh my gulay! Hindi pa ata ako ready! Tumikhim ako at tsaka sumagot.

"Sa Brgy. Katimtiman." Napaharap pa siya ng sinabi ko kung saan ako nakatira. May nakakagulat ba dun? "Dun ka din ba nakatira?"

"Hindi." Tumawa pa siya. "Dun nakatira yung girlfriend ko." Laglag ang panga ko kasabay ng pagkabasag ng puso ko.

MISSION: Find Mr. Right (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant