2

619 24 0
                                    

"El! Ikaw ba'y nalunod na dyan? Kanina pa naghihintay dito si Cris!"

"Ito na po matatapos na!" Kaloka naman. Ang daming balakid sa aking plano.

Kasalukuyan na kaming naglalakad ni Crisostomo sa abangan ng jeep. Nakikita ko na ang liwanag! Sa jeep nakita ni girl si boy sa story! Ipupush ko na ang luck ko!!

"Tara na." Aya sa akin ni Cris. Tinignan ko yung relo ko at masyado pang maaga. Omo! Hindi to maaari! Kailangan kong gumawa ng paraan!

"Ah. Sige na Cris. Mauna ka na. May naiwan pala ako!" Tinulak ko siya papasok sa jeep at pagkasakay niya and I wave goodbye. Naaamoy ko na. Malapit na talaga!

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago sakay sa jeep. Kinuha ko yung phone ko at binasa ulit yung story. Sabi dun kesa daw mamaroblema si girl dahil late siya ay inenjoy na lang niya ang pagsakay sa jeep. Naghanap siya ng prey na kadalasan nilang ginagawang magkakaibigan kapag vacant or free time.

Sinimulan ko ng libutin gamit ang aking mga mata, na nilagyan ko pa ng liquid eyeliner para naman mas madefine ang aking chinita eyes, ang buong jeep.

Dahil nakaupo ako sa eksaktong pwesto nang bidang babae sa story ay tinignan ko rin yung mga pasahero na nasa story. Naagaw nung dalawang lalaki sa tapat ko ang atensyon ko. Sa sobrang daldal nila kulang na lang pati kami kwentuhan.

Wait. The two madada! Nasa story sila! Sabi sa story nakakaturn ofd ang mga lalaking daig pa ang mga babae sa kadaldalan.!

Sign na ba to na nahahawig ang love stpry ko sa story na yun sa Wattpad?

"Aner? Ah! Getching ko ner! I told you bakla e! Nasight seeing ko nga ang aura niya kagabi! Nagmamaganda! Chumochorvaloo sa street! Kaloka!" Napalingon ako sa isa pang maingay na yun. Woah! Kagandang lalaki bading! Sayang na--WAAH! Nasa story din yan! Kaparehong kapareho! Yung gwapong bakla na nakikipagtawagan! Pati pwesto nila sa jeep kagaya nung nasa story.

Agad kong binasa yung story at nakalagay dun yung nerd na nagbabasa. And there you have it! May nakaupong nerd sa eksaktong pwesto nung nerd sa story. Is these the signs Lord? Ibibigay mo na ba sa akin si Mr. Right?

"Bayad po, SMU." Inabot ko yung bayad. Paano nga ba nakita ni girl si boy? Sa sobrang busy ko kakatingin sa phone di ko man lang binalingan ng tingin yung nagbayad at kinuha na lang ito para iabot sa driver.

Sabi sa story nagbayad yung boy at inabot niya. Di to tinignan ni girl at inabot na lang sa driver. Pagkabigay nung sukli dun niya nakita si mister pogi.

Parang nangyari yun a?

"Makikiabot ng sukli." Agad kong kinuha yung sukli sa driver at inabot sa nagbayad. Oh my gad!

"Cris?! Anong ginagawa mo dito?" Mukhang naagaw ko ata ang atensyon ng ibang pasahero. Kaya ayun dinapuan ako ng hiya.

"Makikiabot ng bayad. SMU po estudyante." Sa sobrang inis ko walang gana kong inabot yung bayad sa driver. Akala ko pa naman yun na yung moment!

"Sukli oh." Kinuha ko yung sukli at iniabot sa nagbayad.

"Sukli daw." Iritado kong sabi.

"Salamat." Irita na nga ako nagthank you pa. Kaloka! Tinignan ko yung nagbayad at nalaglag ang panty ko maski na ang bra ko pagkakita ko rito.

Putspa! Siya na nga itu!!!

Para ata akong kinokombulsyon sa sobrang kilig. MY PREY, natagpuan rin kita!

"SMU?" Dito na ako bababa. Nagulat ako ng bumaba rin siya. Madami pa ang nagsibaba kaya hindi ako makasingit. Nakita ko siyang naglalakad na papasok ng gate. Ano ba yan! Ang kukupad naman netong nasa harap ko!

"Uy El!" Sinundan ko lang si kuya sa paglalakad. Dahil nga sa late na ako e susulitin ko na. Parang si ate lang sa story. Sa pagsunod ko sa kanya di ko napansing papasok na pala ako sa building ng College of..ENGINEERING! Sign na ito! Mababaliw na ako! Talagang talaga!

Sinundan ko siya. Papanik na siya at ganun din ang balak ko. Its now or never!

"Uy El! Kanina pa kita tinatawag! Anong ginagawa mo dito? COE bldg to! Dun tayo!" Hinatak ako ni Cris at dahil wala ako sa katinuan ay madali niya akong natangay.

Sobra na ang mga revelations! Mababaliw na ako!!

MISSION: Find Mr. Right (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon