3

463 20 0
                                    

"Bakla!" Patakbo kong nilapitan yung kaklase kong bakla na nagrecommend sa akin na nagbasa sa Wattpad. Natigilan naman siya sa pagbablush on at tinignan ako with matching taas ng right kilay niya! Woah! Taray! Pasalamat siya good mood ako kung hindi papupulahin ko yung pisngi niya sa pamamagitan ng sampal!

Umupo ako sa tabi niya at inalog alog ang balikat niya.

"Nakita ko na ang prince charming ko! Naalala mo yung sinabi ko sa akin na magbasa ako ng mga story sa wattpad at baka makakuha ako ng techniques para makakuha ng boyfie?!"

"Girl. Jinojoke lang kita nun! Masyado ka namang siryoso."

"Tange! Mabisa yun! Feeling ko nga makikita ko na ang Price Charming ko!" Binalik niya yung tingin niya sa salamin at nagblush on ulit.

"Nahihibang ka na ata girl! Paanong naging mabisa yun? Mga fiction story lang naman yun." Tinignan niya ako mula sa salamin ng blush on niya.

"Di pa naman ako sure pero nafi-feel ko. Tignan mo, pagdating ng ball natin may boyfriend na ako."

"Baliw ka na talaga girl. If I were you ha--Cris!!!!" Nawala na naman sa sarili tong bakla na to!

"Uy El, bat mo naman ako iniwan dun?" Pagkatapos niya kasi akong hatakin iniwan ko siya. Chance ko na kasi yun e, naudlot pa!

"Bakla, ikaw na bahala jan kay Crisostomo ha." Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad.

"Pansinin mo naman ako."

"Bye guys!"

"El te--"

"Dito ka na lang Cris. I'll take care of you." Malanding sabi ni Bakla.

Nakatulala lag ako sa upuan ko habang ang iba kong kaklase ayun sobrang excited na sa darating na ball. Excited na din naman ako pero paramas lalo akong mangati sa pagpunta dun, kailangan ko ng makahahanap ng date.

"So class be sure to pass your project next week. No project, no midterm grade. You may go class." Agad akong tumayo at lumabas sa room. Pag di ako nagmadali, maririnig ko na naman yung mga kaklase kong excited.

"El! Sabay na tayong umuwi!" Hingal na sabi ni Cris.

"Hindi pwede, may pupuntahan pa ako."

"Saan naman?"

"Wala ka ng pake. Choo! Uwi na!" Lumakad na ulit ako. Hindi ako pwedeng sumabay kay Cris dahil pupunta pa ako sa building ng COE. Baka makita ko siya ulit doon. 6 pm ang pinakalate na dismissal ng lahat ng colleges kaya kung nandito pa siya siguradong makikita ko siya.

Ilang minuto na akong nakatambay dito. Konti na lkang din ang mga estudyanteng lumalabas, hindi kaya maagag umuwi? Sinintas ko sandali yung shoes ko at tumayo na ulit ng ayos, nilapitan ko yung janitor at tinanong kung may nagkaklase pa ba pero wala na daw.

Nasa abangan na ako ng jeep. Sumakay ako sa unang jeep na nakita ko dahil na rin sa pagod na ako at ang gusto ko na lang ay umuwi. Sabi ng barker kasya pa daw ang dalawa. Nagmadali akong sumakay para makasabay na. Hinanap ko kung nasaan ba ang bakanteng pwesto sa right side ng jeep. Hindi na ako nagdalawang isip na doon umupo, kahit hindi na ako gaanong nakakaupo wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ngayon ay ang makauwi. Naramdaman kong umusod yung katabi kong lalaki dahilan para makaupo ako ng maayos. Impernes gentleman!

"Thank you." Humarap sa akin yung lalaking katabi ko and oh my gad! I was shocked for a sec upon realizing na si Mr. Engineering yun! Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha, sobra ata akong nagbublush! Nakakahiya! Tahimik lang ako at ni hindi nga ako makalingon sa kanya. Shocks Lord, ang bait niyo po sa akin ngayon!!

May bumabang isang pasahero na nakaupo sa side namin kaya nakaayos na ng upo si Mr. Engineering. Hoo! Lilingon ba ako o ano? Nagulat ako, hindi lang pala ako pati na ang ibang pasahero ng biglang pumreno ang jeep. Sa sobrang lakas ng impact medyo nasaktan talaga ako.

"Manong konting ingat naman! Ang dami mong sakay na estudyante o!" Sigaw ng isang pasahero sa dulo. Nangamot lang si manong at nagsimula na ulit magmaneho. Hinimas himas ko yung braso ko, nagasgasan pa to dahil nagasgasan ito nung bag ni Mr. Engineering.

"Okay ka lang ba? Sor--dumudugo yung braso mo." Nanlaki ang mata ko dahil sa lakas ng pagkakasabi ni Mr. Engineering.

"Okay lang ako." Nginitian ko lang siya at hindi na ulit tinangkang lumingon. Nagulat ako ng maramdamang may dumampi sa braso ko. Nakita ko si Mr. Engieering na nilalagayan ng band aid yung gasgas ko sa braso.

"The-thank you." Nginitian niya lang ako. Huminto ulit yung jeep. Umusod sila Mr. Engineering at balak ko na rin sanang umusod ng biglang umupo na yung bagong pasahero sa gitna namin ni Mr. E.

"El!"

"Cris?"

Dahil nga sa may asungot na sumakay ay hindi ko na nakita pa si Mr. E! Naharangan na ni Cris ng bonggang bongga! Wala na tuloy akong chance na masilayan ang kagwapuhan niya ng malapitan dahil sa epal na to!

"Para po!" Sigaw ni Cris. Nauna na siyang bumaba. Nagthank you ulit ako kay Mr. E, at nginitian na naman niya ako. Ang swerte ko talaga!

"THANK YOU LORD!!!" Sigaw ko pagkaalis nung jeep na sinasakyan ni Mr. E.

MISSION: Find Mr. Right (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें