1.

5.2K 221 97
                                    

     Inayos ni Alisha ang pagkakasalansan ng mga libro sa mesa niya. Marami pa iyon pero may kailangan siya puntahan ngayon umaga kaya naman tinapos niya lang ang unang tatlong kahon.

     Lisha's Books Corner

     Isa ito sa mga pinagmamalaki niya sa mga naipundar. 

     Maliit pa lang mahilig na magbasa si Alisha kaya naman ng makatapos sa kurso Business Management ito ang una niya inasikaso.

     Simple lang naman ang gusto niya. Ang mamuhay ng simple, ng tahimik at napapaligiran ng mga libro.  Sa edad na bente-singko marami na siya napagdanaan. Marami na siya mga desisyon na nagawa. Bagama't karamihan doon ay mali, marami naman siya natutunan.

     Masaya na siya sa narating niya. Malayo sa gulo ng dati niya buhay.

     Tahimik at payapa.

     Ngunit alam niya pansamantala lang ang lahat. Kaya naman habang wala pa ini-enjoy niya muna ang katahimikan na meron siya.

     Pagkatapos maayos ang mga libro lumabas na siya at tumungo sa ikatlong palapag ng bookstore kung saan siya nakatira.

     Pagkapasok niya sa loob natigilan siya ng may maramdaman na kakaiba.

     May tao sa loob ng bahay niya!

     "Sino ka?" Tanong niya sa anino nakita.

      Humigpit ang hawak niya sa bag ng lumabas ang isang lalaki may hawak na baril.

     "Alisha Dela Rosa," banggit ng lalaki may suot na mask.

     Alam kaagad ni Alisha kung sino ang nagpadala sa lalaki.

     Nahanap na nila ako!

     "Sumama ka sa akin-," hindi na niya hinintay na makatapos ito sa pagsasalita. Malakas niya hinampas ang lalaki ng hawak na bag.

     Nabasag ang tasa ng kape naiwan niya kanina umaga sa mesa ng tumama doon ang bala. Walang putok na umalingawngaw dahil naka-silencer ang baril  nito.

     Nawalan ng panimbang ang lalaki ng sipain niya. Sinamantala ni Alisha iyon at dali-daling lumabas.

     Halos malaglag siya sa pagbaba ng hagdanan.

     Hindi niya napigilan ang pangingilid ng luha ng lagpasan niya ang bookstore niya. Mababalikan niya pa ito. Magbubukas pa ulit. Ngunit alam niyang hindi na niya magagawang doon tumira at i-manage iyon.

     Humalo siya sa mga tao umaasa na hihinto ang lalaking humahabol sa kanya.

     Ngunit desidido ito makuha siya dahil wala pakialam na nagpaputok pa ito.

     Sa unang putok iba ang tinamaan dahilan para mgasigawan at magkagulo ang mga tao. Ang pangalawa ay sa  balikat na niya.

     Hindi siya huminto sa pagtakbo.

    Tumawid siya ng kalsada. Huli na ng  marealize niya na isang humahagibis na sa sasakyan ang papunta sa gawi niya.

     Nabingi siya sa lakas ng busina at di napigilan na saglit na mapapikit.

     Hinintay niya ang pagtama ng bakal sa katawan niya.

     Ilang segundo ang lumipas wala kahit na ano ang tumama sa kanya.

     Nagmulat siya ng mga mata. Ganon na lang ang gulat niya ng mamulatan na nasa ibang lugar na siya.

     Nawala ang matao kalsada. Kahit ang mga sasakyan nawala rin.

AlishaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon