4

1.7K 145 36
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.















 

      Gustong batukan ni Alisha ang sarili.

     Nagtago siya kay Malik kasi nahihiya siyang makita nito. Nagtago siya kasi hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nagkita sila.

     Nagtago siya pero ngayon nakasunod naman siya sa mga ito.

     Napakagat-labi siya. Iyong direksyon kasi na tinatahak ng mga ito ay ang kagubatan kung saan siya nakatira.

     Hinahanap ba siya nito?

     Nakaramdam siya ng kakaibang saya. Saya na kaagad ding nawala ng marinig ang pinag-uusapan nito at ng lalaking David ang pangalan.

     Mga bandido ang hinahanap ng mga ito. Hindi siya.

     Napakagat-labi siya para pigilan ang pagtulo ng luha. Nadismaya siya kahit na nga alam niya imposibleng hanapin siya nito.

     Huminto siya sa pagsunod. Kapag nagpopokus siya nakikita niya sa isipan niya ang mga tali tila nagdudugtong sa kanila ng binata. At kapag napapalapit siya dito nakakaramdam siya ng paghila.

     Hindi siya sigurado kung nararamdaman rin iyon ng lalaki pero kapag napapalapit siya bigla itong natitigilan. Lilingon-lingon na tila may hinahanap.

     Kaya naman tamang distansya ang ginawa niya. At tuluyan nang huminto nang marealize niya na hindi naman siya ang hinahanap ng mga ito.

      Bakit nga naman siya nito hahanapin ni hindi nga sila magkakilala.

     Aktong aalis na siya ng makarinig ng malakas na ingay.

     Napaalis siya sa pagkakasandal sa malaking puno at napatakbo sa may bangin kung nasaan ang mga ito.

     Natigilan siya sa bumungad sa kanya.

     Sina Malik, na nakakulong, si Kira, na nasa labas ng kulungan at grupo ng mga bandidong may hawak na espada.

     "Malik," sigaw ng isip niya. Lalo na ng tuluyang selyuhan ng mga bandido ang kulungan. Sinubukan ni Kira na pigilan ang mga ito ngunit nasugatan at naitulak sa bangin ang babae.

     Umalis ang mga bandido kasunod ng pagtunog ng kampana. Hudyat na ilang minuto na lang ay kakagat na ang dilim at lalabas na ang mga baligno.

     Walang pagdadalawang-isip na tumakbo siya papunta sa mga ito.

     Lumingon si Malik sa direksyon niya at nagtama ang mga mata nila.

      Nagtagpo ang mga tali at nagsimulang bumuhol.

     Nilagpasan niya ang kulungan.

     Nagasgas ang mga braso at tuhod niya ng padapa siyang dumausdos sa bingit ng bangin.

AlishaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon