6

1.7K 141 48
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Naputol ang hininga ni Alisha ng bumagsak sa ibabaw niya ang katawan ni Malik. Gumulong ang katawan ng binata na dala siya at nagtago sila sa isang puno.

Hindi pa siya nakakabawi ng hangin nang mabilis siya nitong itinayo at sinandal sa may puno.

"Vaak, tinamaan ka," mura nito ng makita ang sugat sa balikat niya. Nasa pagitan siya ng katawan nito at ng puno.
Kinuha nito ang bandanang kulay asul at mabilis na itinali sa balikat niya. Nang idiin iyon ng binata ay napasinghap siya sa sakit. "Shh, daliya," bulong nito na pinunasan ang pawis na namumuo sa kanyang noo at hinalikan siya doon. Napakapit naman siya ng mahigpit sa mga braso nito.

Tumigil ang paglipad ng mga pana sa paligid.

"David?" Sigaw ni Malik. Sumagot ang saruk na nakatago rin sa isang puno. Magkasama naman sina Kira at Ken sa likod ng isang malaking bato. Sunod na tinawag ni Malik ang rakar na umaalalay kay Apo Delfin. Wala silang sagot na narinig.

Bumakas ang pag-aalala sa mukha ng binata ganon rin siya.

"Si Apo, kamahalan," nag-aalalang sabi niya. Itinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag.

"Malik!"

Umiling ito. Bakas rin ang pag-aalala sa madilim at galit nitong mukha

Bigla naglabasan ang mga bandido.
Mabilis na inilabas ni Malik ang espada niya st sinangga ang espada ng isang bandidong sumugod sa kanila.

Walang pag-aalinlangan na sinaksak nito ang bandido. Hawak ang kamay na inalis siya nito sa puno at dinala sa isang mas malaking puno na malapit sa tabi ng kalsada.

"Huwag na huwag kang lalabas dito."

"Pero kamahalan tutu-,"

"Makinig ka!" Nabigla siya sa pagsigaw at pagdiin ng kamay nito sa braso niya. "Hindi ako makakalaban ng maayos kung alam kong nasa panganib ka. Kaya mananatili ka rito, naiintindihan mo?" Mariin na sabi nito.

Napatango siya. Ilang segundo pa siya nitong tinignan bago siya iniwan.

Nagtago siya tulad ng bilin nito. Kahit gusto niyang tumulong, tama ito baka makabigat lang siya. Anong alam niya sa paggamit ng espada? Nakikita niya lang ang mga ganon sa palabas at mga libro. Hindi rin siya marunong humawak ng pana na tulad ng ginagawa ni Kira.

Kahit nakikita niya ang sakit sa mukha ng babae dahil sa sugat ay patuloy parin ito sa pagpana habang pinoprotektahan ng isang rakar.

Hinanap ng mga mata niya si Malik.

Pulido at bihasa ang mga galaw ng lalaki. Kung hindi niya alam na isang hari ito mas aakalain niya na isa itong mandirigma.

Natigil siya sa pagtingin sa binata at nanlaki ang mga mata ng makita si Apo Delfin, kakapa-kapa itong naglalakad papunta sa gilid ng laban.

AlishaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon