9.

2.2K 176 87
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


     Pigil na pigil ni Malik ang sarili na markahan ang leeg ni Alisha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     Pigil na pigil ni Malik ang sarili na markahan ang leeg ni Alisha.

     Iyon ang gustong-gusto niyang gawin habang nakasubsob sa leeg nito. Lalo na ng maamoy niya ang bango nito.

     Naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niyang nakayakap rito. Ang bahagyang paggalaw nito ng leeg para mas lalo niyang maisiksik ang mukha sa leeg nito.

     "Kamahalan..." Ungol nito na lalong nagpainit sa nararamdaman niya. Grabeng pagkokontrol sa sarili ang ginawa niya para hindi ito iharap at mapusok na halikan.

     "Ano ang problema natin, reika daliya?" Ulit niya sa tanong. Napangiti siya ng maramdaman ang pananayo ng balahibo nito sa braso. Patunay na hindi lang siya ang apektado sa paglalapit nila.

     Umiling ito. Nagsisinungaling ang dalaga alam niya. Pagpasok pa lang nito kanina alam na niyang may problema, bukod sa hindi siya nito tinignan mula ng pumasok sa hapag bahagya niyang naramdaman ang lungkot nito.

     Tumitibay na ang buklod nila. Kahit wala pa naman siya ginagawa para pagtibayin iyon. Malapit na. Kung hindi niya bibitawan ngayon ang babae baka nga may magawa siya na magpapatibay sa koneksyon nilang dalawa.

     Iniharap niya ang dalaga sa kanya. Nakababa ang mukha nito at hindi parin sinasalubong ang tingin niya. Namumula ang pisngi nito na nagpangiti sa kanya.

     "Alisha," tawag niya dito. Hinawakan niya ang baba nito at itinaas ang mukha. Hinapit niya rin ito papalapit hanggang sa lumapat ang mga kamay nito sa dibdib niya.

     "Kamahalan," pumungay ang mga mata nito. Napamura naman siya sa isip. Natutukso siyang halikan ito.

     "Binibini, kung ayaw mong may magawa ako na parehas nating gusto huwag mo akong tignan ng ganyan hindi ko alam kung hanggang saan ang pagtitimpi ko. Lalo na kung ganito ka kalapit," humamplos ang kamay niya sa bewang ng babae.

     Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya at suminghap sa ginawa niya. Tinangka nito na lumayo na pinayagan naman niya ng ilang pulgada. Nanatili paring nakakawit ang kamay niya sa bewang nito.

AlishaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon