10

4.4K 188 177
                                    


     Walang naiintindihan si Alisha sa pinagsasabi ni Joseph.
Wala din siyang planong intindihin ang bandido dahil iisa lang ang nasa isip niya. Ang ilayo sa kapahamakan si Malik.

     “Binibini, hanga ako sa galing mo pero dehado parin kayo kung hindi mo napapansin isa ka lang na may baril at marami ang nakatutok sayo. Bago mo pa man ako mapatay siguradong bubulagta ka na at ang hari mo.”

     “Alam ko,” walang bakas na kahit ano ang tinig niya. “Matibay ang pulso ko, mauuna kang bubulagta sa ating dalawa. Tayong dalawa lang dahil sinisigurado ko sayo hindi kasama ang kamahalan sa tutumba.”

     “Vaak, Alisha.” Narinig niyang mura ni Malik. Hindi nito gusto ang sinabi niya. Totoo naman ang sinabi niya. Nakita niya ang mga tagapana na nakapwesto na. Ang hindi niya lang maintindihan ano pa ang hinihintay ng mga ito? Nalalagay na sa panganib ang buhay ng hari!

     “Huwag kang pasisigurado, babae isa ka lang na may hawak na armas talo ka parin sa amin.” Hindi parin nagpapakita ng pagkatalo si Joseph.

     Tama ito. Mapapatay niya ito pero hindi siya sigurado kung makakaligtas siya. Natatakot siya pero hindi niya pinapakita. Ang kaligtasan ng hari ang mahalaga sa kanya.

     “Sasama ako. Pero gusto ko na walang masasaktan sa kahit na sino sa mga kasama ko. Sabihin mo sa mga tauhan mo na ibaba ang mga baril nila. Namamawis na ang kamay ko baka dumulas ang daliri ko at makalabit ko ang gatilyo.”

      “Anong sinasabi mo? Vaak! Hindi, Alisha, hindi ka sasama sa kanila,” sabi ni Malik. Lumapit ito sa kanila ngunit katulad kanina napigilan ito ng tauhan ni Joseph.

     Natutukan na naman ito ng baril na labis na kinatakot niya. Lalo na ng hindi nito pansinsin ang sitwasyon nito at dere-deretso parin ng lakad papunta sa kaniya.

Malik…

     Ano bang ginagawa nito gusto ba nitong mamatay?

     Umalingawngaw muli ang putok ng baril. Binaril niya ulit ang bandido na nagtutok ng baril sa hari. Sinamantala iyon ni Joseph at mabilis na siniko siya sa sikmura. Isang impit na singhap ang pinakawalan niya pero mabilis rin nasalag ang sunod na atake ng bandido.

     Umulan ng pana sa paligid.

     Bumagsak ang mga bandidong nakatutok ang baril kay Malik.

     Sinipa niya si Joseph pero isang bandido na may tama ng pana sa braso ang lumapit sa likod niya at pinukpok siya ng baril sa ulo.

     Narinig niya ang galit na sigaw ni Malik nang bumagsak siya. Pilit niyang pinaglalabanan ang pagdiidilim ng paningin kaya ng makita niyang babarilin ulit si Malik pinaputukan niya ulit ang kalaban kasunod ng pagsipa ni Joseph sa tiyan niya

     Napaigik siya. Isa pang sipa ang pinakawalan nito na mabilis niyang sinangga. Malakas niya itong hinila kahit nagdidilim ang paningin niya. Nang bumagsak ang bandido sa lupa dali-dali niyang ibinalik ang tingin kay Malik.

     Patuloy itong nakikipaglaban sa mga bandido. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala ng baril ang nakatutok dito at may mga rakar ng kasama ito kahit si David ay nakatayo na.

     Tila isang mabangis na hayop si Malik habang papalapit. Natigilan pa si Alisha ng magtama ang mga mata nila. Naroon ang galit sa mga mata ng lalaki pero hindi para sa kanya. Nababasa niya rin ang determinasyon nito. Determinasyon na makalapit sa kanya?

     Nagawa niya ng makatayo, nasa gitna siya ng mga naglalaban pero hindi siya natatakot. Nanatili ang tingin niya sa binata.

     Malapit na ito sa kanya ng biglang umalingawngaw ang putok ng baril at natumba ito. Nanlaki ang mga mata ni Alisha. Nanlamig siya.

AlishaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon