7

1.7K 142 40
                                    

     Mula sa pagtatanggal ng damit sa sampayan napatigil si Alisha sa ginagawa at napatingin kay Betty

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     Mula sa pagtatanggal ng damit sa sampayan napatigil si Alisha sa ginagawa at napatingin kay Betty.

     "Alisha, nagpapaluto ng miryenda si Adra, ipinapahatid sa pulong." Ngumiti siya at tumango.

     Ikalawang-araw niya rito sa Manor. Sa loob ng dalawang-araw puro gawain bahay ang binibigay sa kanya.

     Wala naman kaso iyon sa kanya sanay naman siya sa ganitong trabaho bukod pa sa napagsisilbihsn niya si Malik.

     Madalang niya makita ang hari dahil abala ito sa mga pulong, at sa mga paglabas ng umaga't hapon na babalik. Kitang-kita niya sa mukha nito ang pagod. At sa bawat pagkakataong iyon gusto niya takbuhin ang lalaki at yakapin ito.

     Dalawang-araw narin mula ng mag-usap sila ng lalaki, noong ito mismo ang gumamot sa sugat niya. Wala itong imik habang ginagawa iyon. Siya naman ay tahimik lang kahit gusto niyang itanong kung bakit ito ang gumagamot sa kanya. Nang matapos siya gamotin nito tinignan siya ng binata na kinailang niya. Pagkuway hinaplos nito ang buhok niya at walang imik na umalis sa harap niya.

     After that day hindi na sila nagkalapit pang-ulit ng binata. Puro pagtatama na lang ng mga mata kasunod ng pagyukod niya rito. Hanggang sa ganon lang sila na kinasasakit ng dibdib niya.

     Sa kusina na siya dumeretso nakita niya ang mga rekado na gagamitin. Nang matikman ng mga kasama niya ang luto niya, na gustohan ng mga ito iyon at mula noon siya na ang pinagluluto palagi. Ang dating tagaluto ay wala na. Napatay at nakain ito ng baligno nang abutan ng dilim sa labas.

    Hindi pa siya pinag-eensayo ni Adra. Nakakapanood siya kapag nag-hahatid siya ng pagkain sa nagsisilbing training room ng mga ito pero hanggang doon lang.

     Si Apo Delfin ay bihira niya rin makita dahil kasama ito lagi sa pulong.

     Bitbit ang nilutong miryenda na bananaque o minatamisang saging kung tawagin rito kumatok siya sa kwarto kung saan nagpupulong ang mga ito.

     Hindi pa siya nakakapasok sa kwartong iyon dahil walang pinahihintulutan doon na iba bukod sa pangunahing pangkat na pinagkakatiwalaan ni Malik.

     Nasilip niya ang mga nakadikit na papel sa dingding nang bumukas ang pinto.
Mga pantig iyon at mga letra. Kumunot ang noo niya dahil nahagip mg kanyang tingin ang pangalan niya.

     Alisha...protek-

     Hanggang doon lang ang nabasa niya dahil sinalubong na siya ni Adra na nakasimangot sa kanya. Bago pa man niya mabasa iyon ng mabuti kinuha na ng babae ang hawak niyang basket at sinaraduhan na siya ng pinto.

     Nahagip pa ng tingin niya si Malik na nakatingin sa kanya.

     Ilang segundo siya nakatulala sa pinto. Bakit nakapaskil ang pangalan niya? Sulat iyon ni Apo Delfin. Ano ang ibig sabihin nito?



AlishaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon