5

1.8K 140 44
                                    

           Sinubukan ni Alisha na kumawala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

           Sinubukan ni Alisha na kumawala.

          "Malik," tawag niya sa lalaki dahil hindi parin siya pinakawalan nito.

          Napaunat ito sa ginawa niyang pagtawag.

           "Sino ka? Sino ang nariyan?" Tanong naman ni David.

          Lumabas mula sa dulo ng kweba ang isang matandang lalaki na may kapayatan.

          Kakapa-kapa itong naglalakad papunta sa bukana ng kweba kung nasaan sila.

          "Apo Delfin," tawag niya.

          Nagawa niyang kumawala kay Malik nang tila mabigla ito ng makita ang matanda.

          Nilagpasan niya sina David at tinungo ang may edad na lalaki. 

          "Apo, ayos lang ho, ako ito si Alisha," she said bago ito hinawakan sa kamay.

         Malabo na ang mga mata nito kaya kailangan na nasa maliwanag na parte sila ng kweba para makilala siya nito.

     Ungol ang lumabas sa bibig matanda na katunog ng pangalan niya.

     Hindi ito pinanganak na pipe isa ang matanda sa naputulan ng dila noong mga panahon ng pagsakop ng mga baligno sa Sariya. 

     Kumalma ito at sumenyas kung sino ang mga kasama niya.

     "Ah," napaisip siya. Sasabihin niya ba na naandito ang hari nito?

     Napatingin siya kay Malik, nagtaka siya dahil nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito.

     Si Kira ,David at Ken ay ganoon din ang reaksyon.

     Kumunot ang noo niya.

     "Lolo, lolo Delfin," sabi ni Malik na mabilis na lumapit sa kanila.

     Naramdaman niya ang paninigas ng matanda sa tabi niya.

     Sumenyas ulit ito sa kanya kung sino ang nnasa loob ng kweba.

     "Kayo si Delfin mula sa angkan ng mga Mirano. 
Lolo ni Sophia Mirano."

      Napahawak ng mahigpit si Apo Delfin sa kanya muntik pa itong matumba. Bumukas ang bibig nito at paungol na lumabas ang salitang 'hari' at 'Malik'.

     "Opo, Apo, siya po si haring Malik," sagot niya kahit nalilito.

     Nagulat siya nang bigla itong umiyak at bumitaw sa kaniya at unti-unting yumukod. Payat at kulubot na ang katawan nito ngunit nagawa parin nito iluhod ang isang tuhod habang nakabaluktot ang isa. Parehas na nakababa ang dalawa nitong kamay at nakalapat sa lupa ang nakakuyom na mga kamao.

     Nagbibigay galang ito sa haring nasa harap.

     Mabilis naman na inalalayan patayo ni Malik ang matanda. "Hindi ninyo kailangan magbigay galang sa akin, lolo Delfin."

AlishaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon