3

1.8K 155 56
                                    

    

    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



        Padarag na binagsak ni Malik ang hawak na espada sa mesa.

     Napahinalamos siya sa mukha.

     "Vaak," mura niya.

     Bigo sila sa misyon nila.

     Walang libro ng libereya silang nakita sa pinuntahang guho at nawalan siya ng dalawang rakar (kawal / mandirigma)  ng mahuli ang mga ito sa bitag ng baligno.

     "Vaak!" Napasuntok siya sa mesa.

     Ilang tao pa niya ang malalagas? Ilang mamayanan pa ng Sariya ang mawawala?

     Naglakad siya patungong bintana. Papadilim na, naghahanda na ang mga tao sa baba sa padating ng gabi.

     Nasa tatlong palapag ang Manor nila dito sa Sitio Fatima ang ikaanim na bayan ng Sariya.

     Sa lahat ng Manor nila na nagkalat sa Sariya ito ang malaki at gawa sa matibay na pundasyon.

     Dahil ito ang malapit sa Libis ang Punong-bayan ng Sariya. Kung nasaan ang palasyo niya. Palasyong inangkin at inari na ni Gastor. Ang pinuno ng mga baligno. Hari ng mga ito. Ang nagsimula ng lahat ng , siyamnapu't- limang taon na ang nakakalipas. Ang balignong kailangan niyang patayin para matapos ang lahat ng ito.

     Tanaw ang dulo ng tore ng kastilyo sa kinaroroonan niya. Tanging dulo ng tore, dahil ang buong Libis ay napapalibutan ng bakal na harang na pinatayo ni Gastor ng masakop nito ang palasyo.

     Palasyong kailanman ay hindi niya pa natutuntongan.

     Nakakatawa nga isa siyang hari hindi pa nakakaupo sa trono niya. Isang siyang haring walang palasyo.

     Habang nakatingin sa papadilim na langit pumasok sa isipan niya ang isang pares ng mga mata na kakulay ng dilim ng gabi.

     Pumasok sa isipan niya ang babaeng iniwan niya sa Dalisay. Ang babaeng hindi man lang niya alam ang pangalan.

     Tiim ang bagang na inalala niya ang luhaang mga mata nito. Ang pagkapahiya dahil halos magmakaawa na naisama niya.

     Isang linggo na ang nakalipas sinula ng iwan niya ito. Isang linggo na rin na parang may kulang sa pagkatao niya.

     Naputol niya ang pisi pero hindi niya ito maalis sa isipan. Hindi siya mapalagay. Gusto niyang malaman kung ligtas ba ito. Kung ayos ba ang lagay nito.

     Ilang beses niya natatagpuan ang sarili na nakatingin sa direksyon  kung nasaan ang bayan ng Dalisay.

     Nakarinig si Malik ng katok. Umalis siya sa may tabi ng bintana at naupo sa upuan.

AlishaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon