8

1.6K 152 33
                                    

Happy Birthday 🥳🎂 Ms

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Happy Birthday 🥳🎂
Ms. Franky Jane Pionelo
and
Ms. Dessu Dizon
Sorry hindi video gretting hindi kaya ng ate nyo😅.  Thank you sa support guys. 🤎

     Sabay silang napatingin ni Malik sa pinto. Hindi pa siya nakakakilos ng bigla siyang hilahin ni Malik at itago sa likod nito.

     "Kamahalan?"

      "Manatili ka lang sa likod ko," sabi nito. Hawak siya sa pulsuhan niya na lumabas sila sa kusina, nakaakma ang kamay nito sa espada.

     Inilibot niya ang tingin sa paligid hinahanda ang sarili sa maaaring mangyari.

     May baligno ba nakapasok? Bandido?

     "Tulong si Apo Delfin!" Sigaw ulit, sa pagkakataong iyo nakilala niya ang boses ni Betty.

     Nagkatinginan sila ni Malik. Kumawala siya rito at nauna ng tumakbo sa silid kung nasaan ang matanda.

     "Vaak! Alisha!"

      Wala pakialam kung may baligno o ano mang kalaban, tinakbo niya ang silid ng matanda.

     Nauna si Kira at David na mabilis ring tumakbo nang marinig ang sigaw ni Betty. Nasa gilid ng pinto ang babae at umiiyak.

     "Kamahalan," tawag ni Betty kay Malik ng makita ito. "Ang Apo..." Mas bumukal ang luha sa mga mata nito.

     Naroon si Apo Delfin sa kama nito. Nakapikit at hindi na gumagalaw. Pinulsuhan ito ni Kira, ilang sandali ay umiling ito.

     Dali-daling lumapit si Malik sa gilid ng kama, samantalang siya ay naiwan sa tapat. Naitulak pa siya ni Adra na tumatakbo ding pumunta sa silid.

     Lumuhod si Malik sa gilid ng kama hinawakan ang kamay ng matanda at yumuko. Lumuhod rin ang lahat na naroon sa loob ng silid, kahit ang mga nasa labas at si Betty na katabi niya. Yumuko rin ang mga ito habang siya ay nanatiling nakatayo.

     Tulala siya ng ilang sandali. Naalis lang siya sa pagkatulala ng hawakan ni Betty ang kamay niya at dahan-dahan siyang hinila papaluhod.

     Kalaunan niya nalaman na ang pagluhod at pagyukod sa namatay ay isang tanda ng paggalang at pagpupugay sa naging buhay nito.

     Atake sa puso ang kinamatay ni Apo Delfin. Lumipas ang magdamag na inasikaso ang bangkay nito. At sa pagsikat ng araw inilabas ang bangkay ni Apo Delfin at sinunog.

     Nagulat siya sa ginawang pagsunog hanggang sa nalaman niya na ginagawa iyon para maiwasan na hukayin ng mga baligno ang katawan at kainin ang bangkay.

     Lumipas ang mga oras na malabo ang lahat at tila siya robot na kumikilos lang sa mga dapat gawin. Hindi siya makalapit kay Malik dahil lagi itong pinalilibutan. Lalo na nina Adra, Kira at Dave.

AlishaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon