2

2.1K 167 45
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





Malik

     Nakatiim ang bagang na pinagmasdan ni Malik ang babaeng nasa harapan. Pinipigilan na lapitan at aluin ito.

     Sa kanya isipan, nakikita niya ang pising mag-uugnay sa kapalaran nila ng babae.

     Magpapatunay kung ano ang magiging bahagi nito sa buhay niya.

     Takot na takot ang babae. May sugat din ito. Gustong-gusto nya itong ikalma. Yakapin at sabihin dito na huwag matakot dahil handa siyang protektahan ito.

     Ngunit kahit gaano pa kagusto ni Malik na puntahan ang dalaga at ikulong ito sa mga bisig niya ay hindi niya ginawa.

     Sumumpa siyang hindi niya uunahin ang sarili. Nangako siya sa puntod ng mga magulang niya na papalayain niya ang Sariya sa mga kamay ng mga baligno.

     Magagawa niya lang iyon kung ang buong atensyon at isipan niya ay nakatuon lamang sa misyon niya. Misyon na noong bata palang ay pinaghahandaan niya. Misyon na lalong gusto niya matupad ng mamatay ang kanyang magulang, kapatid at si Lira.

     Sigurado si Malik na isang malaking distraksyon sa kanya ang babae.

     Nang mawalan ito ng malay kumilos ang katawan niya para daluhan ito. Sa ilang segundo pinagbigyan niya ang sarili na muling madikit dito.

     Pinangko niya ang dalaga at dinala sa mahabang upuan.

     Nang mapatunayan na hindi ito nakagat o nakalmot ng baligno sinimulan itong gamotin ni Kira.

     Ganon na lamang ang pagpipigil niya na muli itong kunin at yakapin. Pinigilan niya ang sarili na buhatin ang babae, iupo sa kandungan niya habang ginagamot ito.

     Nakita niya bumakas ang sakit sa mukha ng babae habang ginagamot ang sugat nito.

     Labis na galit din ang nararamdaman niya. Sino ang bumaril dito? Bakit may pinsala ito mula sa malakas na armas ng mga baligno? Sino ang babae?

     Nang matapos itong gamotin nagpahinga na ang mga kasama niya.

     Kailangan niya rin ang magpahinga para sa mga gagawin pa nila bukas. Ngunit di niya maialis ang tingin sa babae.

     Sinubukan niya lumayo rito pero bumabalik parin siya. 

     Sa sobra pagkuyom niya ng kamao niya para pigilan ang sarili na muli itong hawakan bumakat na ang mga kuko niya sa kanya palad. 

     Tahimik ang gabi, kaya naman dinig na dinig niya ang mga baligno sa labas.

     Ganito lagi ang kanilang mga gabi. Walang mamayanan ng Sariya ang nakakalabas sa dilim. Lahat nagtatago. Lahat nakakulong sa mga bahay na nagsisilbi nilang proteksyon. Habang ang mga baligno nasa labas. Naghihintay, nagbabantay, tumetyempo ng kawawang  Sariyan na maliligaw sa labas at magiging pagkain ng mga ito.

AlishaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon