Chapter 4 | Spiderman

25.5K 1K 160
                                    

KENJIE POV

BUHAT BUHAT KO si Zyliel nang makapasok kami sa mall. Inosente parin siyang napapahanga habang nilalakbay nang tingin niya ang paligid.

'Yong mall kasi sa amin, hindi gaano kalawak at first floor building lang siya. Hindi katulad dito na pina-bongga.

Dumiretso kami agad sa Kid's Section. Pinamili namin siya ng mga gusto niya. At hindi ko maiwasang bumuntong hininga nang halos lahat ng ituro niya ay Spiderman. Shirts and shorts, toys, shoes, slippers halos lahat ng gusto niya ay may designs na Spiderman.

Kaya minsan, hindi ko maiwasang maasar kung sadyang gusto lang akong paglaruan ng tadhana.

Limot kona si Ze-. Burado na siya sa puso ko at napalitan na iyon ng pagmamahal ko sa anak ko.

Kaso, sa laro ng tadhana, sa unti-unting paglaki ng anak ko ang unti unti rin niyang namamana ang kahiligan ng dakila niyang ama.

Nakikita ko siya sa anak ko dahil pati features ng mukha ay halos magka-hawig na.

Nang mabayaran ni Denzell sa cashier ang lahat ay nagtatalon sa tuwa ang anak ko. Makikita mo sa kaniyang reaksyon ang pagkasabik mahawakan ang mga iyon.

Dati ko nang sinabihan si Denzell na 'wag masiyadong spoil'en ang anak ko. Pero hindi niya ako pinakinggan kaya hinayaan kona lang.

"Where's next, Baby?" Tanong ni Denzell kay Zyliel nang makalabas kami ng store.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway ng mall.  Pinabitbit ni Denzell ang mga paperbags sa dalawang Bodyguards niya at inutusang ilagay iyon sa sasakyan niya.

"I wanna watch Spiderman, Ninang Pretty." Nagtatalong sagot ni Zyliel.

Sakto kasing ipalalabas 'yon ngayon. Nagkatinginan naman kami ni Denzell. Pahiwatig na kahit sa ganitong panoorin ay hindi talaga palalampasin.

Nakakainis naman. Lahat na lamang ba?

Tinahak namin ang Movie Theater. Bumili si Denzell ng tickets habang ako naman ay bumili ng drinks at popcorn.

"Let's go," pagyaya ni Denzell.

Nilingon ko ang anak ko nang mapansing tumigil ito. Nagtaka ako ng makita siyang may tinitignan. Tila may hinahanap ang mga mata niya.

"Zyliel, let's go, Baby." Tawag ko sa atensyon nito.

Agad siyang sumulyap sa akin at nangingiting tumango.

Hinawakan ko siya sa kamay at sabay kaming tatlong pumasok sa loob. Saktong malapit nang magsimula ang palabas.

Nahahati sa dalawang parte ang mga upuan at sa kanang parte kami umupo. Sa bandang gitna kami pumuwesto.

Habang hinihintay namin ang palabas ay hindi mapakali itong anak ko. Bigla nalang siyang tumayo at tumingin sa harapan.

Hindi kona lang siya pinansin. As long naman na nand'yan sa tabi ko at hindi siya umaalis. Baka excited lang itong mapanood ang pelikula.

Nang magsimula na ito ay bibong-bibong nagtatalon sa tuwa ang anak ko. Tuloy ay napatingin 'yong iba sa amin at bakas ang gigil sa kanilang reaksyon.

Maging kami ni Denzell ay natutuwa sa sobrang ka-kyutan ni Zyliel.

Makulit ang anak ko pero hindi siya 'yong tipong nakakainit ng ulo. 'Yong pagiging makulit niya ay madalas nakakatuwa sa mata.

Ibinuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa kaniya. Handa kong gawin ang lahat para sa kaniya.

Isang bagay lang ang hindi ko magawa. Iyon ay ipakilala at malaman niya kung sino talaga ang ama niya.

Ama niyang malaki ang balls.

ZEDRIC ZYAIR POV

"Oh, this is so cute." Sabi ni Nadya sa hindi ko tiyak na pangalan niya. Nasa Kid's Section kasi kami at kasalukuyan siyang tumitingin ng damit.

"Oh my gosh! I really like this one! Baby, look. It's so pretty, right?" Pinakita niya sa akin ang red color na damit.

Tinatamad naman akong tumango. This is so boring. I never thought that this girl could be so boring.

This is Zyker's fault. Kung sinu-sino nalang babae ang nirereto sa'kin. Hindi ko naman alam na ganito ka-weirdo ang babaeng 'to dahil ang sabi sakin ay isang modelo ito.

"I will buy this, Baby. What do you think? Para 'to sa future baby natin," aniya na parang ihing kinikilig pa.

Napangisi ako. Ibang klase ka-weirdo ang babaeng 'to. Baby agad ang hanap, wala pang nangyayari sa amin.

At saka, wala akong balak maging ama ng maaga. Bata palang ako at marami pa akong gustong gawin sa buhay ko.

Hinayaan kona lang siya. Nababagot na ako sa set-up namin sa araw na ito. Gusto ko nang makuha ang gusto ko sa kaniya para 'wag na siyang umasang hahaba pa ang pagsasama naming dalawa.

At ayun nanga, binili nga niya ang damit niyang iyon. Mabuti nalang talaga ay naka-sunglasses ako at naisuot ko ang hoodie ko. Nakakahiya kasing kasama 'tong katabi ko.

Pasalamat siya maganda at sexy siya. Lalo na sa suot niyang fitted dress na lalong lumitaw ang hubog ng katawan niya.

"What's next," tamad kong tanong ng makalabas kami.

"Gusto ko manood ng sine, Baby." Maarte siyang humawak sa braso ko at saka isinandal ang ulo doon, "Alam mo, Baby. Naiiba ka sa mga lalaking nanliligaw sa akin."

H'waw! Lakas naman ng apog nitong sabihing nililigawan ko siya! Wala akong sinabing ganun.

"Bakit naman?"

"Kasi 'yong iba, hindi nila kayang gawin 'tong ginagawa mo. Sila kasi, gusto nila makuha gusto nila sakin. Iyon ay ang katawan ko."

Lihim akong napangisi.

Wala naman akong pinagkaiba sa kanila, e. Pasalamat nalang siya dahil nag-effort pa ako sa kaniya.

"Ano ba gusto mong panoorin?" Pambabalewala ko sa sinabi niya.

Napatingin naman siya sa mga picture na nasa harapan. "Ano bang maganda para sayo, Baby?"

Tinignan ko naman kung ano ang magandang panoorin. Sakto, 'yong paborito ko.

"Spiderman."

"Spiderman? I don't like to watch that, Baby? It's too manly."

Napakunot noo ako sa inis kong panlalait nito sa paborito ko.

This damn girl is really ridiculous. Walang sinuman ang lumait sa paborito ko.

Even him never did that.

"But I'll watch it, anyway."

Naglakad na ako patungo sa Movie Theater nang aksidenteng nabangga ako ng sinuman. Tuloy ay nahulog ang salamin ko.

Pinandilatan ko 'yong taong bumangga sa akin. Hindi manlang humingi ng sorry. Wala siyang karapatang banggain ang kapogian ko.

Iiling iling kong pinulot ang sunglass ko.

"Baby, tignan mo. Ang kyut nung bata do'n, oh! Kanina pa siya nagtatalon! Ang bibo!" Gigil na sambit ni Nora sa hindi ko tiyak na pangalan niya habang niyuyogyog ako sa braso.

Hindi ko nilingon ang tinutukoy niya. Kunwari bingi-bingihan ako at wala akong naririnig sa kaniya. Nagsisimula na 'yong palabas, e. Istorbo naman 'to!

Maya-maya ay naramdaman kong ikinawit niya ang kamay sa braso ko at idinantay ang ulo doon, "Baby! Gusto ko, 'pag nagka-baby tayo, bibo rin siya. Hihihi."

Kinilabutan ako sa sinabi niya.

Sinabi kona ngang wala akong balak maging ama, e. I'm too young for that. Tss!

Saka, kung magkakaroon man ako ng anak, gusto ko nagmula siya sa taong mamahalin ko habambuhay.

Ngumiwi ako ng may maalala ako.

Bullsh*t!

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon