Chapter 7 | Baby's Tears

25.7K 939 119
                                    

ZEDRIC ZYAIR POV

"Kendric! Gosh! Glad that you're safe!" Hinihingal na sambit niya.

"I-Ikaw ba ang Dada niya?" Tanong kong naniniguro.

Mukhang nahimigan niya ang boses ko at nakilala niya kung sino ako.

Doon ay tila nagulat siya at hindi agad nakapagsalita. Tumingin siya sa batang buhat-buhat ko at muli siyang tumingin sa'kin.

"I—I'm the child's godmother," sagot niya.

Bakit parang kinakabahan siya.

"Where is his Dada, then?" Muli kong tanong.

Napalunok siya at hindi na naman siya agad nakasagot. Kita ko ang kaba sa reaksyon niya. Tila nangangapa ng maisasagot.

"N—Nasa work." He exhaled heavily. "Kendric. It's me, Ninang Pretty." Tawag niya sa bata.

Gumalaw ito at humarap sa taong kausap ko, "Ninang Pretty!"

He spread his arms na para bang gusto niyang magpabuhat sa kaniya. Wala na akong nagawa. Binigay ko kay Denzell ang bata.

Nakita kong inangat nung bata ang kaniyang ulo at lumingon sa akin, "Thank you so much po." Ngiting sambit nito.

Hindi agad ako nakapagsalita ng makita ko ang mga mata niya. Those light-brown eyes were the same as mine.

At hindi maitatangging may hawig nga kami sa mukha.

Dahil sa curious ko nagawa kong tanggalin ang shades ko para matitigan kong mabuti ang mukha niya.

Lalapitan kona sana siya para titigang mabuti ang kaniyang mukha nang bigla namang hinawakan ni Denzell ang ulo nito at pilit na itinago ang mukha nung bata sa akin.

"U—Uhm . . Were in a hurry so I guess, we need to go. Thank you ulit, Zedric." Lumiko siya agad at mabilis na naglakad palayo.

"T—Teka lang . . " Hindi kona natapos dahil hindi na niya ako nilingon.

Sadyang nagmamadali talaga siya.

Ngunit sadyang hindi maalis sa utak ko ang mata nung bata. We really have the same eyes.

At tama si Nora, sa hindi ko tiyak na pangalan niya, na may pagka-hawig kaming dalawa.

Napako ang tingin ko sa kanila habang sila ay papalayo.

At napagtanto kong, ano kayang gayuma 'yong ginamit para maging ka-hawig ko 'yong batang iyon?

"Oh my gosh! Is that really you, Zedric!" Lumapit sa'kin 'yong babaeng hindi ko kilala.

Tinitigan niya akong mabuti. Nanlaki ang mata niya sa gulat at napahawak ito sa labi.

"OH MY GOSH! IT'S REALLY YOU! AACK ! ! ZEDRIC! I AM SO HAPPY TO SEE YOU ! ! "

Umani nang atens'yon ang malakas na sigaw nang babae. Tumingin sila sa direksyon namin at tila nagalak at nagulat sila nang masuring ako nga si Zedric.

Si Zedric na sikat.

Si Zedric na pogi at guwapo.

Si Zedric na masarap sa kama.

Si Zedric na habulin ng mga babae at pinagkakaguluhan kapag nakita.

Oo! Ako nga, si Zedric Zyair Scott!

SH*T!

Agaran kong isinuot ang shades ko at nagmamadaling tumakbo para takasan ang mga babaeng nagkakandarapa sa akin.

Nakita kopa silang humabol habang pinagsisigawan ang pangalan ko. Kaya lalo silang dumami ng may nakarinig.

SH*T ULIT!

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon