Chapter 10 | Resemblance

22.4K 944 72
                                    

KENJIE POV

Magsasalita palang sana ako ng marinig kong magsalita ang anak ko.

"Dada," napalingon ako sa kaniya at nakita ko kung gaano kalaki ang kaniyang pagka-nguso.

"Why, Baby?" Tanong ko't binuhat ko siya.

"Gutom napo mga alaga ko. Kanina pa po ako inaaway." Hinawakan niya ang kaniyang tiyan, "you heard that, Dada?" Aniya na ang tukoy ay sa kaniyang tiyan, "They're protesting. I heard them say, grawr grawr grawr!"

Natawa kaming lahat sa kaniyang hinaing. Maging ang mga ibang costumer na nakapansin sa anak ko ay nakitawa rin. Halata ang gigil at tuwa sa reaksyon nila.

Tuloy ay nahaplos ko siya sa mukha and pinched his nose with matching giggled. "Okay, ano bang gusto mong kainin, Baby?"

"I want chicken adobo." Masiglang sagot niya.

"Naku, naubusan na. Konti lang kasi niluto ni Chef Kaizer, e." Ani Dana.

"Ubos na raw, Baby." Sabi ko kay Zyliel.

Ngumuso siya ng mahaba. "But I'm craving for chicken adobo."

Nagtaas siya ng tingin sa akin, naglalambing ang mga mata niya. Alam kona ang mga ganitong istilo ni Zyliel.

"Dada, can you cook for me? Please?"

Ganiyang nagpapa-cute si Zyliel, alam kong hindi na ako makaka-tanggi.

Kaso, wala kami sa condo. Hindi naman puwede rito sa resto ni Denzell ako magluto.

Nilingon ko si Denzell. Nabasa naman niya agad ang gusto kong iparating. Ngumiti siya at napatango sa akin.

"It's fine. Ipagluto mona rin ang lahat ng workers dito para matikman naman nila ang luto mo."

Naningkit ang mata ko sa kaniya, "Pero—"

"No buts. I'm your boss, right?" Natat'wang aniya.

Napabuntong hininga nalang ako. "E, ikaw?"

"Kakain nalang ako sa bahay. Magluluto pa ako para kay Ryker, e." Tinignan niya ang relos. "I really have to go na pala. Dana and Mara, kayo na bahala rito."

"Sige po. Ingat po kayo." Ani Mara at Dana.

Nagpaalam siya sa lahat. Lalo na kay Zyliel.

"Alam niyo po, Kuya Kenjie. 'Yan pong si Kuya Denzell, ayaw po niyang tinatawag na Sir. Ayos na raw po sa kaniya na tawagin namin siyang Kuya." Kuwento ni Mara.

"Oo nga po, Kuya Kenjie. Sobrang bait niyang si Kuya Denzell. Anlaki ng itinulong niya sa amin dahil siya ang nagpagamot sa nanay naming nasa hospital. Siya narin ang nagbayad sa lahat ng gastusin. Kaya nga po kami nandito dahil gusto niya kaming matulungang makapag-ipon sa pag-aaral namin."

Wala sa sariling napangiti ako sa kanilang dalawa. Makikita mo kasi ang paghanga sa reaksyon nila.

"Ganun talaga si Denzell. Wala siyang hinihingi na kahit na anong kapalit. Kusa siyang nagbibigay. So, he's really blessed now."

"Malas ngalang po sa lovelife. Hehe." Ani Mara na nagpagulat sa akin.

Agad naman siyang siniko ni Dana, "Ah. Hehe. Hayaan niyo nalang po 'tong kapatid ko. Tsismosa kasi 'to, e."

"Ah palagi ko naman kasing nakikita si Kuya Zyker na may kasamang babae," hindi papatinag na sambit ni Mara.

"Malay mo pinsan pala niya 'yon. Ano kaba?"

"Pinsan ba 'yong tawag sa iba-ibang babae, ate? May mag-pinsan bang nanghahawak sa bewang."

"Mara, 'yang bibig. Nakakahiya." Nahihiyang tumingin si Mara sa akin, "Pagpasensyahan niyo na po itong kapatid ko. Matabil talaga dila nito."

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon