Chapter 20 | Childhood Friends

19.8K 808 55
                                    


KENJIE POV

"SAAN KA pupunta?" Maayos ang pagkaka-tanong ni Chance sakin.

Tinabig ko ang kamay niya, "None of your business." Sagot ko bago sumulyap kay Archer. "Kila Denzell lang ako." Paalam ko.

Tumango naman si Archer at mukhang naintindihan niya ang ibig kong sabihin.

Hindi na ako nagpaalam sa mga naroon dahil wala naman akong balak. Masyado silang presko at mayayabang. Akala mo kung sino.

"Ayos kalang ba?" Alalang tanong ni Denzell sakin ng makalapit ako sa puwesto nila. Iminuwestra niya ang katabing upuan niya.

Ewan ko. Dahil sa sandaling ito gusto kong maiyak. Gusto kong sumigaw sa galit.

Hinusgahan nila ako without knowing the real reasons. Hinusgahan nila ako kahit wala silang kaalam-alam sa totoong nangyari.

"Okay lang ako," sagot ko habang pilit na pinapatatag ang damdamin ko.

"Pasensya kana, Kenjie. Hinabilin kasi samin ni Archer na kung pwede ay kayong dalawa na muna ang magsolo. Alam mo naman, basta guwapo ay hindi kona mapigilan lalo na kung si Papa Archer ang pag-uusapan." Ani Johannes.

"Ayos lang," ngumiti ako na kahit pilit lang.

Apektado ako sa mga narinig ko. Para na nilang inapakan ang pagkatao ko.

Ganun ang tingin niya sakin. Mukhang pera.

Psh! Para namang hindi niya ako pinaglaruan!

"Hayaan mo, Kenjie. Kakausapin ko si Ryker para tigilan ka nila." Ani Denzell na halatang nag-aalala sakin.

Sa kanilang tatlo, si Denzell ang higit na nakakaalam sa sitwasyon ko.

"Ano ba kasing nangyari sa inyo ni Zedric, Kenjie?" Tanong ni Sophia.

"Oo nga. Lokaret ka! Noong umalis ka, andaming issue laban sayo. Nakakainis dahil nai-stress ang beauty ko noon, kakatanggol sayo." Sabi ni Johannes na halatang nayamot.

"Tanda korin 'yong babaeng humila sa damit ko. Sa sobrang gigil ko hinila kona siya sa buhok. Gigil na ako, e! Dapat lang 'yon sa mga etchusera!" Natatawang kwento ni Sophia.

"Alam morin ba na muntikan na akong magahasa?" Tanong ni Johannes. Sabay kaming tatlo na nabigla sa tanong niya.

"Seryoso?" Paniniguro ni Denzell.

"Charot! Bibigay naman ako 'pag nagkataon, noh! Hahaha!"

"Naalala kopa nga si Denzell noon. Grabe kung makapag-tanggol sayo. Kapag nakakarinig siya nang hindi maganda laban sayo, Guidance Office ang inabot." Muling kwento ni Sophia.

"Ikaw ba naman 'yong pamilya na may malaking share sa iskul. Kaloka!"

"Kaya nga lahat ng bagay ay nakukuha ng lokaret na'yan, e!"

"Asus! Maliban sa isang tao kamo!" Prangkadang tugon ni Johannes.

"Shut up, Johannes!" Inis na pigil ni Denzell dito.

Natawa si Sophia at Johannes sa tuwing binabanggit nila ang nakaraan ni Denzell at Ryker.

Sa totoo lang, mas baliw pa 'tong si Denzell umibig kesa sakin. Natauhan na ako pero siya hindi parin.

"Psh! Speaking of your playboy na husband," inginuso ni Johannes ang harapan.

Sabay sabay kaming tatlo na napalingon doon. Nakita ko si Ryker na nasa mesa nang grupo ng mga babae. Halatang natutuwa at nag-eenjoy sa usapan nila.

Ngunit ang nakapansin sakin ay ang pag-akbay ni Ryker sa katabi nitong babae.

Sinulyapan ko si Denzell, titig na titig siya rito. Seryoso siya pero makikita mo ang lungkot at sakit sa kaniyang mga mata.

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon